Lockdown short film project ni Direk Louie Ignacio, mapapanood sa iba’t ibang bansa

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/25/2020 05:15 PM
Lockdown short film project ni Direk Louie Ignacio, mapapanood sa iba’t ibang bansa

Sa kabila ng pandemya ng COVID-19, looking forward pa rin sa kanyang bagong achievement ang direktor na si Louie Ignacio.

Sa isang Facebook post, proud na ibinahagi ng direktor ang tatlong international film festival kung saan napili ang kanyang short film na #DeepExpression.

“Congratulations Team #deepexpressions  !!!!!!” pagbati ni Direk Louie sa bumuo ng kanyang proyekto.


“Kuwento ko ito during Lockdown as an Artist. Thank you Lord !!!!!”

 

Congratulations direk Louie Ignacio on the selection of his short film #deepexpressions at the 7th Goa Short Film...

Posted by Ferdy Lapuz on Thursday, August 20, 2020

 

Mula sa 7th GOA Short Film Festival sa India tatawid sa unang Golden Short Film Festival in Italy ngayong darating na September ang lockdown project ni Direk Louie.

Bukod sa India at Italy, mapapanood rin sa 7th Art Festival sa Miami, Florida ngayong October ang #DeepExpressions.

Ayon pa sa direktor, nakatakda din na mapanood dito sa Pilipinas ang kanyang proyekto sa darating na September 10 kasabay ng kanyang 9th solo show sa Galerie Joaquin and Museo Sanso.

Ilan sa mga markadong proyekto ni Direk Louie ay ang School Service na pinagbidahan ni Ai Ai Delas Alas na humakot noon ng parangal sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.