• Home
  • Fresh Scoops
  • Ramdam na ramdam ni Diego Lozyaga ang pagiging kuya sa mga anak ni Sunshine Cruz.

Kumusta si Diego Loyzaga bilang kuya sa mga anak ni Sunshine Cruz?

Ramdam na ramdam ni Diego Lozyaga ang pagiging kuya sa mga anak ni Sunshine Cruz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/26/2020 02:04 AM
Kumusta si Diego Loyzaga bilang kuya sa mga anak ni Sunshine Cruz?
Photo Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Kung ilalarawan, isang responsableng kuya si Diego Loyzaga kina Angelina, Sam and Chesca, mga kapatid niya sa amang si Cesar Montano na dating asawa ni Sunshine Cruz. Dinalaw din niya ang mga kapatid na babae sa kasagsagan ng community quarantine para kumustahin ang mga ito.

Ipinost ng actor ang kanilang bonding photo sa kanyang Instagram account na merong halos 100K likes. Handa rin daw siyang magbigay ng advice sa ‘tres marias’ lalo na pagdating sa mundo ng showbiz.

“Oo naman po siyempre, as much as I can help or give advice I’m always there for them,” lahad pa niya.


Patuloy ni Diego, “Pagdating po sa show business, siyempre, hindi ko naman po ina-assert yung sarili ko to the certain extent na parang I go beyond my boundaries, pero kung may kailangan silang tanungin sa akin I always assure them na nandito ako if ever they need to ask me something.”

Si Diego ay solong anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga. At dahil wala siyang ibang kapatid sa ina, may pagka-exaggerated kuya daw siya sa tatlong anak ni Sunshine.

“Alam natin kung ano itong mundo natin ng showbiz and how it runs. And the people in it, di ba? And how you’re put on the pedestal and the limelight is always on you.

“So, siguro exaggerated ngayung pagiging older brother ko sa kanila, in a way na, ‘Uy, this might not be good, or uy, baka puwedeng huwag ka na lang pumunta sa ganyan.’ But they’re also living their own lives, eh. There’s always so much you can advise. You have to let that person also live their life,” paliwanag ng aktor.

Samantala, masaya si Diego na balik-showbiz na siya at pumirma pa ng management contract sa Viva. Ipinagpapasalamat din niya ang patuloy na suporta sa kanya ng Diegsters na hindi siya iniwanan kahit tatlong taon siyang namahinga sa showbiz.

“Sa lahat ng sumuporta sa akin noon kahit na nagka-absence ako, na nawala ako for awhile. Thank you for still being there,” mensahe niya sa fans.

“Kasi I know who these people are, kasi they still message me until now. Nakikita ko pa rin yung… nonstop. Nakikita ko talaga yung mga messages nila. I just want to say thank you from the deepest, bottomest part of my heart. I really mean it,” wika pa ng binata.