• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Ryza Cenon ang tinitirhan nilang bahay ng kanyang partner na si Miguel.

Ryza Cenon, ipinasilip ang bahay na nilipatan nila ng kanyang partner na si Miguel

Ipinasilip ni Ryza Cenon ang tinitirhan nilang bahay ng kanyang partner na si Miguel.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/24/2020 05:31 PM
Ryza Cenon, ipinasilip ang bahay na nilipatan nila ng kanyang partner na si Miguel

Sa unang pagkakataon ay ipinasilip ni Ryza Cenon ang nilipatan nilang bahay ng kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz.

‘We’re lucky to have you’: Ryza Cenon pens sweet message for partner

Bilang panimulang vlog sa kanyang YouTube channel, pinili ni Ryza na gumawa ng house tour upang ipasilip ang unang tahanan nilang magkasama.


 

“Gusto namin i-share ‘yung first journey namin. New journey sa pagiging parents. First time din namin magsama ni Miguel sa iisang bahay kasi lumipat na kami ng bagong bahay,” pagbabahagi ni Ryza.

Dagdag pa niya: “So gusto naming i-share sa inyo kung ano ba ang itsura niya, kung ano ba ‘yung mga nasa loob ng bahay at mga nangyayari dito sa bahay gusto naming i-share sa inyo lahat ‘yun. Gusto naming ipakita sa first episode kung ano ba ang itsura ng bahay na napili namin.”

 

 

Paglilinaw naman ni Ryza, ang nasabing bahay ay inuupahan lamang nila. Sa ngayon ay may pinapatayo na umano silang bahay na magiging permanente nilang tirahan sa hinaharap.

Mayroon namang limang kwarto ang nasabing bahay kabilang na ang magiging silid-tulugan ng kanyang dinadalang bata.

LOOK: Ryza Cenon shares first sonogram of baby

Panoorin ang kanyang vlog sa ibaba:

Matatandaang nitong Hulyo lang ay inanunsyo ni Ryza ang kanyang pagbubuntis.

Sino nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Ryza Cenon?

Unang nakilala si Ryza Cenon sa GMA-7 na naging tahanan niya ng mahigit sampung taon.

Taong 2018 naman nang magdesisyon si Ryza ay pumirma ng kontrata sa Kapamilya network.

Dito, naging parte siya ng iba’t-ibang programa at teleserye gaya ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Home Sweetie Home,” “The General’s Daughter,” at “A Soldier’s Heart.”