• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakakaramdam umano ng pressure ang mga anak ni Sunshine Cruz dahil sa galing ng kanilang ina at mga kamag-anak sa pagkanta.

Mga anak ni Sunshine Cruz, ramdam ang pressure sa pagiging parte ng pamilya Cruz

Nakakaramdam umano ng pressure ang mga anak ni Sunshine Cruz dahil sa galing ng kanilang ina at mga kamag-anak sa pagkanta.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/24/2020 03:36 PM
Mga anak ni Sunshine Cruz, ramdam ang pressure sa pagiging parte ng pamilya Cruz
Photo Credit: @sunshinecruz718 Instagram

Kilala ang pamilya Cruz sa pagiging talentado lalo na sa larangan ng pagkanta. Kaya naman hindi mapigilan ng mga anak ni Sunshine Cruz na sina Angelina, Sam, at Cheska na ikwento ang nararamadaman nilang pressure kahit na sila mismo ay nabiyayaan ng talento gaya ng kanilang ina. 

WATCH: #GirlGang: Celebrities with All-Female Children | Push Pins

Sa panayam ng mga anak ni Angelina kay Korina Sanchez, ikinuwento ng tatlong magkakapatid kung bakit sila nakakaramdam ng pressure at paano nila ito nilalabanan. 


“Obviously we got some pressure because everyone is watching us and we’ve got to always be polite. But throughout we got used to it naman po and we learned how to be presentable to others,” pahayag ni Sam.

Para naman kay Angelina na isa rin recording artist, natuto siya sa kanyang mommy na maging totoo sa kanyang sarili. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We love you! ❤️🎂🎈 Happy 16th Birthday my beautiful Sam!😘 #SamAt16

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

“When I started here in the industry and signing with Universal Records, I was really pressured because the expectations are really high po. Since the family Cruz — we’re a family of singers and there are expectations. But through the years po, I learned na to be myself like what my mom tells me,” saad ni Angelina. 

 

 

Ang bunso naman na si Cheska ay tinuturing na biyaya ang maging parte ng kanyang pamilya na aniya’y “advantage” para matupad ang kanilang pangarap. 

“I guess I’m pressured to really start to take care of myself. But at the same time it was also really a big blessing because I feel like we have such a big advantage to achieve our dreams,” ani Cheska. 

WATCH: Cruz cousins Geneva, Donna, Sunshine in ‘You’re In Love’ cover

Nang tanungin ni Korina tungkol sa sikreto ng closeness nila sa kanilang ina, sinabi ng magkakapatid na mas lalo silang naging close ngayong quarantine dahil mas lalo silang nakapag-bonding bilang pamilya.  

“Hindi naman po. Pero we all have different personalities that our mom loves about us. Actually during quarantine — because of this new normal — we’ve gotten closer to our family, our sisters,” pahayag ni Sam.  

Dagdag ni Angelina: “We spent more time together, we watch movies together or we eat a lot of meals together.” 

READ: Sunshine Cruz laments ‘manyak’ comments over photo with three daughters

Samantala, ikinuwento naman nila ang kanilang “Plan B” sakaling hindi nila ituloy ang kanilang pagpasok sa showbiz. 

Para kay Angelina, gusto niyang magtayo ng business sa hinaharap lalo pa’t kumukha siya ngayong ng kurso na may kaugnayan sa business. 

“For me po, I’m about to head into college. I’m taking up Marketing Business Management po. So that’s what my Plan B. My backup is business po. I feel like that’s the smartest choice,” kuwento ni Angelina. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Reunited with my girls. ❤️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Plano naman ni Sam na maging mang-aawit gaya ng kanyang nakatatandang kapatid o hindi kaya’y maging manunulat dahil hilig umano nito ang magsulat lalo na sa wikang Ingles. 

“Aside from showbiz, of course, I’d like to take up something either with like singing or something related to writing ‘cause I really enjoy writing as well. And I love the subject English,” kuwento ni Sam. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy Weekend everyone 🙏🏻❤️

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

 

Gusto naman ni Cheska maging artist dahil gustong-gusto umano nito ang pagguhit. 

“One thing I love to do is drawing. So I hope to like in the future maybe do something in related to that one ‘cause I love art, drawing sketching,” ani Cheska. 

PANOORIN: MGA TALENTED ANAK NI IDOL

Sina Angelina, Sam at Cheska ay mga anak ni Sunshine sa dating asawa na si Cesar Montano. 

Samantala, busy naman ngayon si Sunshine sa teleseryeng Love Thy Woman.”