Labis ang pasasalamat ng actor-politician na si Senator Ramon Bong Revilla Jr. dahil naka recover na siya ngayon sa COVID-19.
Sa official Facebook page ni Sen. Revilla, ibinahagi niya ang bagong development sa kanyang kalagayan matapos isugod sa ospital noong isang linggo dahil sa pagkakaroon ng pneumonia, na epekto ng sakit na COVID-19.
“Thank You, God for Your unending love and care” sabi pa ng senador sa kanyang post.
Ayon pa sa post, maari na siyang umuwi ng kanilang tahanan at doon na ipagpapatuloy ang gamutan.
“Great news po! The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home. Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home.
“Again, maraming, maraming salamat po sa inyong mga panalangin. Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes.I cannot thank all of you enough.” pahayag pa ni Bong sa post.
Thank You, God for Your unending love and care. Great news po! The doctors have cleared me for discharge. I am so...
Posted by Ramon Bong Revilla, Jr. on Monday, August 24, 2020
Ilang miyembro na din ng senado ang naapektuhan ng sakit na COVID-19 tulad nina Sen. Miguel Zubiri at Sen. Sonny Angara.