• Home
  • Fresh Scoops
  • Na-umpisa ang word war ng dating childstar na si Awra Briguela at vlogger na si Buknoy Glamur matapos punahin ni Awra ang di pagsusuot ng face mask ni Buknoy.

Team Awra at Team Buknoy Glamur, bakit nag-trending sa social media?

Na-umpisa ang word war ng dating childstar na si Awra Briguela at vlogger na si Buknoy Glamur matapos punahin ni Awra ang di pagsusuot ng face mask ni Buknoy.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/23/2020 11:01 AM
Team Awra at Team Buknoy Glamur, bakit nag-trending sa social media?

Hot topic sa social media ngayon ang palitan ng maaanghang na salita ni Awra Briguela at bagong social media personality na si Buknoy Glamur.

Kasunod ito ng tila pagpuna ni Awra sa vlogger sa hindi nito pagsusuot ng face mask at lumabas ito sa pampublikong lugar sa oras ng curfew.

“SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACEMASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR,” tweet ni Awra kalakip ang burado na ngayong tweet ni Buknoy Glamur.


 

Dahil dito agad na bumuwelta si Buknoy Glamur sa tila patutsada sa sinabi ni Awra.

“Laki talaga ng galit sa 'kin ng isang influencer dyan, imbis na i-dm (direct message) ako para sabihan na mali ako, siniraan pa nga,” sambit ni Buknoy sa Twitter.

“Be katakot ka i-dm baka ma-edit na naman, remember last time?” tugon naman ni Awra.

“Hala wala po 'kong alam, alam ko lang ang laki ng galit mo sa kin.”, sabi naman ng vlogger. 

“Hala kelan ka magkakaalam?”buwelta muli ni Awra.

“Kapag di n'yo na po ko sinisiraan ate, sana maintindihan nyo na wala naman akong ginawang masama, sadyang ikaw lang nagpalala,” sagot naman ni Buknoy Glamur.

Sa kalagitnaan naman ng Twitter word war dalawa, isang tweet pa ang binitiwan ni Awra, na tila pasaring sa naging hindi pagsusuot ng face mask at paglabas sa oras ng curfew ni Buknoy Glamur.

“Bakit kase nag-aantay ka na may magtama sa 'yo, di mo kayang itama sarili mo?” ani Awra.

Dahil dito, agad na nag-trending sa Twitter ang patutsadahan nina Awra at Buknoy na mas lalong pinainit pa ng paghati ng kanilang mga followers, ang Team Awra laban sa Team Buknoy.

Samantala, aminado naman ang social media personality na si Buknoy Glamur sa kaniyang nagawang mali sa hindi pagsuot ng face mask at paglabag sa curfew hours.

Agad naman rin itong humingi ng tawad pamamagitan rin ng kaniyang Twitter.

“Teh! I will not argue anymore. I know mainit sa akin ang netizens dahil sa mga kamalian ko. I’m not perfect. I made mistakes and I’m willing to change. Tulungan mo ko instead of adding flame to the fire. Pero kung masaya ka dyan, may God enlighten you na lang. I rest my case,” sabi pa ni Buknoy na tila sagot rin kay Awra.

Naging maingay din si Buknoy sa social noong mga nakaraang buwan dahil nagalit ang ilang netizens sa vlog niya kung saan minaliit umano ng vlogger ang mga tricycle driver.

READ: Aiko Melendez lectures vlogger Buknoy Glamurrr following comments on tricycle drivers

Si Buknoy Glamur ay isa sa mga bagong social media personalities na managed by Star Image Artist, na former management team ni Xander Ford.