• Home
  • Fresh Scoops
  • Dumalo sa libing ni Emman ang ilan sa mga malalapit na kamag-anak at kabigan nito.

Emman Nimedez, inilibing na

Dumalo sa libing ni Emman ang ilan sa mga malalapit na kamag-anak at kabigan nito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/23/2020 01:11 PM
Emman Nimedez, inilibing na
Photo credit: @emmannimedez IG and Solis Photography FB Page

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang vlogger na si Emman Nimedez isang linggo matapos ang kaniyang pagpanaw. 

READ: YouTube vlogger Emman Nemedez passes away after battle with leukemia

Sa mga litratong ibinahagi ng Solis Photography sa Facebook, makikita ang mga emosyonal na kaganapan sa libing ni Emman na dinaluhan ng ilan sa mga malalapit nitong kamag-anak at kaibigan. 


Ilan sa mga ipinaramdam ang kanilang pakikidalamhati at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Emman ang mga miyembro ng grupong Team Payaman. 

READ: Mga personalidad, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Emman Nimedez

Tingnan ang mga litrato sa ibaba: 

Tuluyang binawian ng buhay si Emman ala-una ng madaling araw noong ika-16 Agosto matapos ang ilang buwang pakikibaka sa sakit na acute myeloid leukemia. 

2017 nang unang makilala si Emman dahil sa mga nakakatawang videos nito ng mga sikat na Korean Dramas gaya ng “Goblin.”