• Home
  • Fresh Scoops
  • Extra special na sing along ang ginawa ng magpipinsan na Geneva, Sunshine at Donna Cruz ngayong quarantine.

WATCH: Tirso Cruz III, joins nieces Geneva, Sunshine and Donna for an ABBA medley

Extra special na sing along ang ginawa ng magpipinsan na Geneva, Sunshine at Donna Cruz ngayong quarantine.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/22/2020 10:12 AM
WATCH: Tirso Cruz III, joins nieces Geneva, Sunshine and Donna for an ABBA medley
Screenshot from PianistPat YT Channel

Ultimate entertainment ngayon sa social media ang hatid ng magpipinsan na Geneva Cruz, Sunshine Cruz at Donna Cruz na nag virtual sing-along ng mga classic hits ng 70’s iconic Swedish pop group na ABBA.

Extra special ang kanilang virtual kantahan dahil kasama nila ang kanilang tiyuhin na si Tirso Cruz III na game na game din naman sa pag-awit.

Dito, inawit ng pamilya Cruz ang “Chiquitita”, “Thank You For The Music” at “Dancing Queen”.


Sa isang post, pinasalamatan ni Sunshine ang kaniyang Tito Pip para sa masayang kantahan kasama ito.

"Never would I have imagined. This is definitely a dream come true for us cousins to be able to do a collaboration with our Uncle Pip. Thanks Uncle for doing this with us. We love you!” sabi pa ni Sunshine.

Ang ABBA medley ay i-prinoduce ni  Patrick Rivera.

Simula ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon ng pagkakataon na mag-jamming sina Sunshine, Geneva at Donna. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Natupad din po ang isa sa mga matagal ko nang gustong mangyari ulit! 🥰 Thanks Gen and Shine for inviting me to perform/sing a trio with you 👸🏻👸🏻! Before pa po, sa mga Cruz bands ng mga titos and titas namin (dad ni Gen po guitarist and singer - Tito Boyet and dad ni Shine po keyboardist, singer and band leader ng 747 band - Tito Danny Cruz 🙏🏼) na gabi-gabi po, may tugtog or gig sa mga hotels sa Manila, kumakanta na po kaming magpipinsan ng may harmony because we all grew up together (halos magkaka age po kami 😊) watching our ates, titos and titas sa mga Cruz bands na ang ganda at sarap pakinggan pag sabay kumanta at may voice blending kaya may influence na po talaga nila sa musika at pag awit. 😊 So ito po, para sa inyong lahat, para sa mga nag request (susunod po with Ate Sheryl na naka chat na namin kaya mag prepare na din at excited na! Thanks, Ate @officialsherylcruz 🥰!), sana po magustuhan niyo. We would also like to thank our guitarist, video editor and producer - Mr. Mark Flores and his fellow talented musicians for making our 🎶 virtual reunion performance possible! 🥰❤️ Guitar/Video Editing/Vocal Mixing: Mark Flores (IG @markflo) Keyboards: Patrick Rivera (IG: @pianistpat Bass: Keisey Hicban (IG @keisey_hicban) Drums: Krister Castro (IG: @kristercastro) Thank you! 🥰❤️ Ang galing niyo!!! 👏🏼👏🏼👏🏼 #ProudToBePinoy 🎶 🎼 🎵🇵🇭 #Cruzinhood #cousinhood @genevacruzofficial @sunshinecruz718 You’re In Love (by Wilson Phillips) 🎶❤️🥰

A post shared by Donna Cruz Y. Larrazabal (@donnacruzylarrazabal) on

Nakasama na din nila sa kanilang online kantahan ang aktres na si Sheryl Cruz, na kanila ding pinsan.