• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa ‘Esperanza’ naging malapit sina Piolo Pascual at Carmina Villarroel.

Piolo Pascual at Carmina Villarroel, muntik maging magkasintahan noon

Sa ‘Esperanza’ naging malapit sina Piolo Pascual at Carmina Villarroel.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/22/2020 12:08 PM
Piolo Pascual at Carmina Villarroel, muntik maging magkasintahan noon
Photo credit: @mina_villaroel and @piolopascual_ph IG

Muntik na palang naging magkasintahan ang aktres na si Carmina Villarroel at ang Kapamilya hunk actor na si Piolo Pascual nung kanilang kabataan.

Nagsimula ang closeness nina Piolo at Carmina nung panahong ginagawa nila ang teleseryeng Esperanza sa ABS-CBN taong 1997 hanggang 1999. Ang Esperanza ay pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Naungkat ang naudlot na relasyon ng dalawa nang banggitin ni Carmina sa kanyang virtual birthday celebration last August 15, 2020 kung gaano sila naging close ni Piolo noon.


Pang-aasar ni Piolo kay Carmina, “Close ba tayo? Sabihin mo sa kanila.”

Tugon naman ng aktres, “Close tayo. Super close tayo. Sa sobrang close nga, muntikan na kaming maging kami! O, ano?”

Ikinuwento rin ni Piolo na kahit hindi naging sila ni Carmina ay meron namang dalawang taong parehong malapit sa kanila ang nagkatuluyan pagkatapos ng kanilang double date. Ang tinutukoy ni Piolo ay ang Kuya niya at ang best friend ni Carmina na si Tessie. Naging mag-asawa ang dalawa at.meron ng mga teenager na anak ngayon.

“I think, tayo ang naging tulay. If not for us, they wouldn’t had been able to meet each other and be husband and wife,” reaksyon ni Piolo na sinang-ayunan naman ng aktres.

Humirit ulit si Piolo kay Carmina, “Pero dapat tayo, di ba? Umamin ka,” na sinagot naman ng aktres ng, “Na ano, anong aaminin ko. Hindi. Ito kasi, eh, kulang na lang ako lumigaw diyan, eh.”

Pinigilan ni Carmina si Piolo nung akmang ikukuwento na nito kung ano talaga ang mga pinagdaanan nilang dalawa during Esperanza days.

“Okay na. Hanggang doon na lang ang Esperanza days. Hanggang dun na lang,” pagtutol niya sa mga sasabihin dapat ni Piolo.

Halata namang medyo nahihiya si Carmina sa kanilang mga naging rebelasyon ni Piolo.

Aniya, “Nahihiya lang ako dahil kinukuwento natin ngayon.”

Carmina is married to Zoren Legaspi at meron ng dalawang anak. Si Piolo naman ay nananatiling single pa rin hanggang ngayon.