• Home
  • Fresh Scoops
  • Inanunsyo ng ABS-CBN kahapon, Agosto 21 ang papaliban muna ng produksyon para sa pelikulang “Darna”.

Jane De Leon nagsalita na tungkol sa postponement ng pelikulang ‘Darna’

Inanunsyo ng ABS-CBN kahapon, Agosto 21 ang papaliban muna ng produksyon para sa pelikulang “Darna”.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/22/2020 11:39 AM
Jane De Leon nagsalita na tungkol sa postponement ng pelikulang ‘Darna’
Photo credit: @imjanedeleon IG

Kasunod ng pag-anunsyo ng ABS-CBN sa pagpapaliban muna sa shooting ng pelikulang “Darna”, nagbigay reaksyon naman ang lead star nito na si Jane De Leon. 

Nitong Biyernes, August 21, sinabi ng network sa isang statement: “The rights to ‘Darna’ remain with ABS-CBN as it decides to postpone the film production indefinitely after careful deliberation on the impact of the COVID-19 pandemic on movie production and cinemas.

Ayon pa sa media giant, mahihirapan silang ishoot ang mga eksena sa pelikula dahil sa safety protocols ng gobyerno para maiwasan ang paglaganap pa ng sakit.


We are committed to following production guidelines under the 'new normal' and the safety of the actors and production team is a top priority. However, because the movie requires complex logistics, crowd shots, and fight scenes that involve physical contact, it will be difficult to give justice to the superhero film while strictly adhering to the guidelines,” sabi pa sa statement.

Sa kanyang Instagram post, sinabi in Jane na ikinalulungkot niya ang pangyayaring ito ngunit naiintidihan naman niya kung bakit kailangan mangyari ito. 

"I’m deeply saddened by the postponement of the Darna project. However, safety comes first as always. Thank you so much for the support & understanding. Let’s pray for everyone’s safety. God bless!" sabi nito sa caption ng kanyang post. 

Napili si Jane bilang bagong Darna matapos magka-injury ni Liza Soberano sa kanyang kamay, na naging rason sa pag-backout niya sa pelikula. Nagpalit din ng direktor ang pelikula last year at pinalitan si Erik Matti ni Jerrold Tarog. 

Sa kanyang naging interview sa StarStudio Magazine, ibinunyag ni Jane na una siyang nagaudition sa pelikula para sa role ng kontrabida. 

Actually, my manager told me to audition for the project. At first, I really had no idea that it's for Darna. Nag-audition ako for the villain role and I just did my best nu'ng audition. Ayoko kasi talagang nage-expect, I just let God lang and trust Him.” 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Akala ko di ko kakayanin pero laban lang ng laban! 💪🏻💦 Thanks coach! @culverpadilla #DarnaTraining #FIGHTING

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

Sa huli ay nakumbinsi ni Direk Jerrold si Jane na mag-audition din para sa lead role na Darna.

Nagsimula na ng pag-tetraining si Jane last year para sana sumunod sa mga yapak nina Angel Locsin, Marian Rivera, Vilma Santos, Nanette Medved at iba pang aktres na gumanap bilang Darna.