• Home
  • Fresh Scoops
  • Labis na hinangaan ng mga kasamahan sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ ang naging professionalism ng veteran actress na si Maricel Soriano.

Maricel Soriano, sugatan sa isang eksena ng ‘Ang Sa Iyo ay Akin’

Labis na hinangaan ng mga kasamahan sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’ ang naging professionalism ng veteran actress na si Maricel Soriano.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/21/2020 04:08 PM
Maricel Soriano, sugatan sa isang eksena ng ‘Ang Sa Iyo ay Akin’
Photo Credit: @mr.mikeibanez Instagram

Gabi-gabi ngayong trending sa social media ang pinakabagong Kapamilya series na Ang Sayo Ay Akin,” na pinangungunahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Diamond Star Maricel Soriano.

Dahil sa maiinit na mga tagpo ng Kapamilya show, hindi maiiwasan na mauwi sa totohanan ang ilang mga eksena, na labis na nagpapadala sa bugso ng damdamin ng mga manonood.

 


 

Kabilang na dito ang isang eksena kung saan nakaladkad ng tumatakbong van ang si Maricel.

 

 

“Hinahabol ko siya (Jodi Sta Maria’s Character), Nadapa ngayon ako,” sambit ni Maria sa video exclusive behind-the-scenes upload ni Mike Ibanez.

Dahil sa kinakailangan ng eksena, tumayo si Maricel at ipinagpatuloy ang kaniyang pag-arte.

“Tumayo ulit ako para habulin,” sabi pa ni Maricel.

Ayon pa sa Diamond Star: “Hindi puwedeng i-dobol ‘yun. Master shot at tsaka close up na ‘yun kasi three cameras 'di ba so lahat andoon na.”

Dahil sa pagkakadapa at pagkaladkad, nagtamo ng sugat sa kaniyang mga tuhod si Maricel, na agad namang nilapatan ng lunas ng mga naka stand-by na medical team sa location ng kanilang shooting.

Sa ngayon, gabi-gabing napapanood sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel ang “Ang Sayo Ay Akin”.