• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang humanga sa aktres na si Loisa Andalio matapos nitong ipamalas ang kanyang bikini body.

Loisa Andalio, ibinida ang kanyang bikini body

Marami ang humanga sa aktres na si Loisa Andalio matapos nitong ipamalas ang kanyang bikini body.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/21/2020 04:12 PM
Loisa Andalio, ibinida ang kanyang bikini body
Photo Credit: @iamandalioloisa Instagram

Marami ang humanga sa aktres na si Loisa Andalio matapos nitong ipamalas ang kanyang bikini body. 

Sa kanyang pinakabagong post sa Instagram, makikitang nakasuot ng dilaw na two-piece swimsuit si Loisa.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

wall arttt painting by @iamr2alonte 😍👌🏼

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

Sa ngayon ay umabot na sa higit 400,000 ang nag-“like” ng kanyang post, na nakatanggap din ng mga komento ng paghanga hindi lang mula sa kanyang mga taga-hanga kundi maging sa kanyang mga kapwa-artista.

“Wow,” ani ng kanyang kapwa aktres na si Liza Soberano.

“Grabe!” sabi naman ng kapwa Pinoy Big Brother housemate at beauty queen na si Vicki Rushton. 

“Grabe po!” sambit naman ng direktor na si Dan Villegas.

Huling napanood si Loisa sa action-drama series na “The General’s Daughter.”

Bumida rin siya sa palabas na “James and Pat and Dave” kasama ang nobyong si Ronnie Alonte Pebrero nitong taon.

Muling mapapanood sa telebisyon ang aktres sa paparating na palabas na "Cara Y Cruz.” Nakatakda itong umere sa Kapamilya channel at iWant.