• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Gary Valenciano kung bakit malaki ang utang ng loob niya kay Mother Lily Monteverde.

Gary Valenciano, willing sumabak ulit sa acting?

Ibinahagi din ni Gary Valenciano kung bakit malaki ang utang ng loob niya kay Mother Lily Monteverde.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/21/2020 04:33 PM
Gary Valenciano, willing sumabak ulit sa acting?
Photo Credit: @garyvalenciano Instagram

Dahil nasa community quarantine ang NCR kaya walang bonggang birthday celebration ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde na nagdiwang ng kanyang ika-81 kaarawan nitong August 19, Huwebes. Pero dahil sa tulong ng Zoom kaya nagkita-kita rin ang mga taong malalapit sa lady producer para batiin ito.

Isa si Gary Valenciano at ang asawa niyang si Angeli Pangilinan sa nakisaya sa virtual birthday party. Inisa-isa ng mag-asawa kung ano ang naging kontribusyon sa buhay nila ng Regal Films producer.

Simulang pahayag ni Gary, hindi raw siya itinuring na artista ni Mother Lily kundi parang isang anak.


 “Well, actually yung salitang artista hindi ko naramdaman yan with Mother, eh, because I always felt like a son  I always like that somebody that she loves more than just being an artist.

“My first international concert, my first international recordings, I’ve done comedy to drama but I think more than anything else it’s the support that she gave me, na higit pa sa pagiging isang artista. I think it was more like me being son and I always felt the sincerity behind everything.

“For me that’s one thing I will never, never forget kasi naging bahagi na rin siya sa pagmo-mold sa akin bilang isang singer—how to love the people that are around me as well. Mother you’ve done that to me through the years. Through all of my years in the industry you’ve always shown me your genuine and sincere love and that’s something that I will never forget, that we will never ever forget,” pahayag ni Gary kay Mother Lily na ikinatuwa siyempre ng birthday celebrant.

Ayon naman kay Angeli, ang anak ni Mother Lily na si Meme Monteverde ang nag-produce ng isa sa best concerts ni Gary—ang Gary Valenciano All Out—na ginanap sa Folk Arts Theater noong 1984.

Ipinag-produce din daw ni Roselle Monteverde, isa rin sa anak ni Mother Lily at ngayon ay namamahala ng Regal Entertainment, ng mga concert sa US si Gary noong 1987.

“The first international concert of Gary was Regal Films (ang producer) sa San Francisco,” pagtatapat ni Angeli.

Malaki rin daw ang nagawa ng Regal para magkaroon ng movie career si Gary V sa pelikulang Horsey-Horsey: Tigidig-Tigidig na isang blockbuster movie noong 1986.

“Kasi walang mga nanood ng films at that time, kasi di ba yung nangyari, with the whole people power thing parang wala nang gustong lumabas. Mother took a risk in getting me to be with Tito, Vic and Joey and of course si Maricel (Soriano) and it worked and I’m thankful for that,” balik-tanaw ng singer-actor.

Dagdag pa ni Angeli, “And our first house, si Mother gave us also a downpayment—si Mother and Robbie (Tan) ng Seiko Films—silang dalawa. Regal and Seiko gave us our first house.

“Viva gave us our first cars. Thank you Mother, you’re really a part of our life. Thank you so much for the press conferences you gave Gary, for the support, the sponsorship, sa lahat Mother. We love you so much.”

Nang tanungin naman si Gary if willing ulit siyang gumawa ng pelikula, aniya, puwede naman daw.

“My doors are always open. My doors have always been open kung sakaling I could come up in front of the camera naman imbes na in front of the microphone. Ako, I would love to lalo na if the story is right,” pahayag ni Mr. Pure Energy.