• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naging balakid ang tila naudlot na pagi-ibigan nina Barbie Imperial at JM de Guzman para bumalik sila sa pagiging magkaibigan.

‘Friends kami’: Barbie Imperial ibinahagi kung paano sila nagkaayos ni JM de Guzman

Hindi naging balakid ang tila naudlot na pagi-ibigan nina Barbie Imperial at JM de Guzman para bumalik sila sa pagiging magkaibigan.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/21/2020 04:06 PM
‘Friends kami’: Barbie Imperial ibinahagi kung paano sila nagkaayos ni JM de Guzman
Photo Credit: @msbarbieimperial Instagram

Hindi naging balakid ang tila naudlot na pagi-ibigan nina Barbie Imperial at JM de Guzman para bumalik sila sa pagiging magkaibigan.  

Sa panayam sa "Hotspot" ni DJ Jhai Ho para sa "Hotspot," masayang sinabi ng aktres na ayos sila ngayon ng aktor matapos ang mga isyu na kanilang pinagdaanan noong mga nakaraang taon.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

SEASON 2 🌗 excited? @arawgabi.abscbn 💛

A post shared by BARBIE (@msbarbieimperial) on

 

"Okay kami. As in, [masasabi ko ngayon na] friends kami. Kasi dati nasabi ko na hindi ko siya kayang maging kaibigan [laughs]. Ganun naman talaga 'pag nasaktan ka 'di ba. Parang hindi mo kaya pang maging kaibigan 'yung isang tao," pag-amin niya.

"Napatunayan naman na timing lang talaga kasi kami nga ni JM, 'di ba, ate, ang tagal bago kami nagka-batian talaga. Masasabi ko na friends kami, pero 'di naman kami 'yung friends na nagu-usap. 'Di kami nag-uusap, like, friends lang talaga. 'Yun lang. Happy kami na naging friends pa rin kami kahit na medyo may nangyari before," dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Barbie kung paano sila nagka-ayos ni JM.

"Alam naman nating lahat na medyo nagka-thing kami ni JM, pero nawala rin siya. Never naging kami. Siguro naging rough siya, at first. Naging magulo after, but after naman ng ilang months, naging okay kami. Actually, after nung gulo na 'yun, nagkita kami recently, na hindi naman namin plinano, sa [isang burol]," kwento niya.

"Hindi naman namin in-expect na magbabatian kami. 'Yun, hi, hello. Ganito ganyan. And then, parang kailangan magpagpag. So, kasama namin sina Direk Ruel [Bayani], na parang sinabi nila na, 'Tara, pagpag tayo.' Nagpagpag kami. Kumain kami. Andun din si JM. Ang saya, ate Jhai," sabi pa niya.

Samantala, malaki pa rin ang pasasalamat ni Barbie sa kanilang mga taga-hanga ni JM sa patuloy nilang suporta at pagmamahal. 

"Hanggang ngayon ang dami dami paring nagmamahal sa amin ni JM kahit may kanya kanya na kaming mga trabaho, hindi na kami love team. Ang dami pa rin. Ibang klase ang [JuanBie] fans," aniya.

Nang tanungin naman kung ano ang kanyang magiging reaksyon kung sakaling mangumusta at humingi ng tawad sa kanya si JM, pagbabahagi ni Barbie, "Well, nag-sorry naman siya sa mga nangyari before. Nag-sorry din naman ako kasi 'di lang naman din siya 'yung nagkamali."

Nagkatambal sina Barbie at JM sa seryeng "Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi" taong 2018.