• Home
  • Fresh Scoops
  • Business Management ang kursong kinukuha ni Heaven Peralejo.

Heaven Peralejo, back to school habang naka lockdown

Business Management ang kursong kinukuha ni Heaven Peralejo.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/21/2020 01:26 AM
Heaven Peralejo, back to school habang naka lockdown
Photo Credit: @heavenperalejo Instagram

Katulad ng ibang artista na bumalik sa pag-aaral via online schooling, itinuloy din ni Heaven Peralejo ang pag-aaral niya ng kursong Business Management ngayong pandemic. Ayon sa dalaga, medyo kakaiba daw ng konti ang set-up ng online class nila dahil mga pre-recorded videos daw ang ibinibigay sa kanila para pag-aralan.

“Iba kami. Parang pre-recorded na ang mga videos, so, pinapanood ko na lang in my own time,” kuwento ni Heaven.

Dagdag niya, “Pero yung iba, may schedule talaga ng klase, may oras. So, para talagang pumapasok na  din kayo sa class pero mina-manage n’yo lang din yung time.”


Ang tungkol sa pag-aaral ni Heaven ang isa sa ibinalita niya sa kanyang mga followers sa ginanap na Instagram Live noong nakaraang Linggo, August 16.

Tinanong din si Heaven ng kanyang followers kung may komunikasyon pa ba sila ng mga dati niyang ka-batch sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7 tulad nina McCoy de Leon, Edward Barbers, Maymay Entrata, Kisses Delavin, at iba pang housemates.

Sagot ng 20-year-old actress, “Noong walang pandemic, I think sa ABS (CBN), nakita namin ang isa’t isa.”

Sa naturang IG Live ay inamin din ni Heaven kung sino ang bagong crush niya ngayon. Sadly, hindi ito si Ricci Rivero na kapareha niya sa soon to be released film na Happy Times na pinagbibidahan din ni Sharlene San Pedro.

Si Stiles daw ang kanyang crush ngayon. Eh, sino nga ba si Stiles?

Si Stiles or Mieczyslaw “Stiles” Stilinski ay pangalan ng karakter na bida sa Netflix drama series naTeen Wolf na ginampanan ng Hollywood actor na si Dylan O'Brien. Si Dylan ay bumida na sa mga pelikulang The Maze Runner, American Assassin, Deepwater Horizon, at iba pa.