Matapos mailipat ang franchise ng Supranational sa ilalim ng Miss World Philippines Organization, muling nag-init ang usapin na pagbabalik pageant ng showbiz royalty at beauty queen na si Winwyn Marquez.
READ: Miss World Philippines Organization acquires Miss Supranational franchise
Sa Instagram post ng Miss World Philippines Organization makikita ang pag kampanya ng pageant fans sa pangalan ni Winwyn na hiling ang muling pagsabak niya sa pageant scene.
Tuloy din ang mga fan art ng mga pageant fans, kung saan makikita ang comment ng reigning Miss World Philippines na si Michelle Dee na sinasabing “Wyn For Supra”.
Unang sumubok si Teresita “Winwyn” Marquez sa larangan pageant bilang kandidata noong 2015 sa Binibining Pilipinas kung saan nakalaban niya si Pia Wurtzbach.
Hindi man nasungkit ang korona, muling sumabak si Winwyn bilang kanidata sa Miss World Philippines at nakuha ang korona to represent the Philippines sa 2017 Reina Hispanoamericana kung saan kinoronahan siya bilang unang Pinay sa Latin American pageant.
Sa adjustments ng pageant dates, nanatiling qualified si Winwyn sa edad niya ngayon na 28-years old na isang taong pagitan sa age requirement ng Supranational na 29 years old.
Taong 2019 ng umugong na ang planong pagsali muli sa Binibining Pilipinas ni Winwyn ngunit di ito natuloy sa hindi na niya nasabing dahilan.
READ: Winwyn Marquez, magbabalik nga ba sa Binibining Pilipinas?