• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: ‘Balur’ tour ni Roxanne Barcelo sa kanyang naipundar na tirahan

PANOORIN: ‘Balur’ tour ni Roxanne Barcelo sa kanyang naipundar na tirahan

Binalikan din ni Roxanne Barcelo ang mga panahong nakatira pa siya sa isang 16 sqm. na apartment.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/2/2020 8:33 AM
PANOORIN: ‘Balur’ tour ni Roxanne Barcelo sa kanyang naipundar na tirahan


Screenshot from Roxanne Barcelo YT Channel

Ipinasilip ni Roxanne Barcelo ang kanyang mga taga-suporta sa kanyang naipundar na condo na ayon sa kanya ay hindi niya makakamit kung wala sila. 

Sa kanyang bagong vlog, inikot ni Roxanne ang kanyang condo kung saan kumpleto sa gamitan at aniya’y malayo sa kanyang buhay noon. 

Ani Roxanne: “Thanks to you, mga Badidap, and the power of hard work and claiming it...started from the bottom now we're here! Started fresh, mas pina-fresh pa.”

Binalikan ni Roxanne ang mga panahong kung saan nakatira siya sa isang maliit na apartment noon. 

“Nagpapasalamat talaga ako sa araw-araw. Lahat ng malilit na bagay, malalaki, pinapasalamat ko siya. As in nag-tathankyou ako sa Creator ko na this is not out of privilege, alam niyo ‘yan,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa ni Roxanne: “Actually, hindi niyo alam kung saan ako galing literal. I used to live in a 16-square meter apartment. Nagwa-wildflower ako nu’n. Walang nakakaalam kung saan ako nakatira. As in literal na bangon para lang gumising, maligo — may maliit na CR.”

Panoorin ang kanyang vlog sa baba: 

Bagama’t madalas nang lumalabas sa telebisyon noong early 2000s, mas nakilala si Roxanne nang maging bahagi ito ng reality competition na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition

WATCH: Roxanne Barcelo fulfills father’s wish on ‘Tawag ng Tanghalan’

Mas nabigyan naman ng pagkakataon na mas makilala ang kanyang husay sa pag-arte nang maging bahagi siya ng seryeng Wildflower.

Nang sumali sa “Tawag Ng Tanghalan: Celebrity Champions” ng It’s Showtime, nabigyan ng pagkakataon si Roxanne na maipamalas ang angking talento sa pagkanta. 

READ: Trying too hard? Roxanne Barcelo responds to criticisms

Sa ngayon ay may mahigit kahalating-milyong subscribers si Roxanne sa kanyang YouTube channel.