• Home
  • Fresh Scoops
  • Matt Evans, kinasuhan ng dating girlfriend sa di umano pagbibigay ng sustento sa kanilang anak

Matt Evans, kinasuhan ng dating girlfriend sa di umano pagbibigay ng sustento sa kanilang anak

Inaresto si Matt Evans noong July 31, Biyernes ng umaga, sa bahay niya sa Sampaloc, Maynila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/2/2020 8:03 PM
Matt Evans, kinasuhan ng dating girlfriend sa di umano pagbibigay ng sustento sa kanilang anak


Inaresto ang aktor na si Matt Evans sa kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes, Hulyo 31, matapos sampahan ng kasong hindi umano pagsusustento sa kanyang anak.

 

 

Nilinaw ng kampo ng aktor na hindi physical abuse ang kasong isinampa kay Matt kundi ang hindi raw nito pagbibigay ng sustento sa kanilang anak ng kanyang ex-girlfriend na si Johnelline Hickins.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), inaresto si Matt bandang 11:30 ng umaga sa kanyang bahay na matatagpuan sa Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila nitong nakaraang Biyernes lamang.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Welcome home Matt Evans! From your Star Magic Family! ❤️

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

Ito ay matapos isyuhan ng warrant of arrest ni Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 dahil sa paglabag umano ng aktor sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Matatandaang unang naghain ng kaso sa kanya ng dating live-in partner na si Johnelline taong 2012 ngunit agad din itong nakalaya matapos mag-piyansa ng dalawang-daang piso lamang.

Nauwi umano sa pisikalan ang away nila noon at nahulog pa umano si Johnelline sa hagdan. Ayon naman sa kapatid ng dating partner nito na si Juan Alberto Carlotta na nagsilbi ding witness sa nasabing kaso, tinutukan pa umano ni Matt ng kutsilyo si Johnelline.

Read: Matt Evans involved in a domestic spat with girlfriend

Mariin naman itong pinabulaanan ni Matt at sinabing hindi siya lasing at nanutok ng kutsilyo, tulad ng ikinikwento ng kanyang ex at kapatid nito.

Inirerekomenda naman kay Matt ang pagbabayad ng Php36,000 upang pansamantala itong makalaya sa bagong kasong kanyang kinakaharap.

Unang nakilala si Matt taong 2006 nang sumali siya sa kauna-unahang edisyon ng ”Pinoy Big Brother: Teen Edition.”

Mas nakilala naman ito bilang aktor nang bumida sa seryeng “Da Adventures of Pedro Penduko.”

Taong 2017 nang magdesisyon si Matt na lumipat sa kabilang network. Taong 2019 naman nang magbalik-loob si Matt sa Kapamilya network at maging parte ng seryeng “The Killer Bride.”