• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento rin ni Heart Evangelista kung paano nagsilbing tulay ang dating senador na si Miriam Defensor-Santiago sa relasyon nila ni Chiz Escudero.

Heart Evangelista, binalikan ang naging relasyon niya kina Jericho Rosales, Daniel Matsunaga

Ikinuwento rin ni Heart Evangelista kung paano nagsilbing tulay ang dating senador na si Miriam Defensor-Santiago sa relasyon nila ni Chiz Escudero.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/19/2020 09:04 AM
Heart Evangelista, binalikan ang naging relasyon niya kina Jericho Rosales, Daniel Matsunaga
Photo lifted from Getzmo

Naging bukas ang A-list star na si Heart Evangelista tungkol sa mga naging ka-relasyon niya noon na sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga. 

Sa panayam ni Heart sa TV at movie writer na si G3 San Diego, sinabi ni Heart na itinuturing niyang isa sa hindi niya malilimutang panahong ginawa niya ang teleseryeng Ang Panday noong taong 2005. 

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Starry-eyed, and starry...eared? 🙈 @royalgemph #MahalKongSorsogon

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

“I think that part of my life. Like that whole experience with me fighting for my independence and all of the rebellious acts that I did at that time was really one of the best times of my life,” ani Heart. 

Matatandaang sa hit fantaserye nagsimula ang relasyon nila ni Jericho Rosales na nagtapos din makalipas ang tatlong taon. Ngunit para kay Heart, isa mas lubusan niyang nakilala ang kanyang sarili noong mga panahong iyon. 

“That was me becoming a lady, into a woman and really discovering myself, my strengths and weaknesses. Although I still ended up being very weak at that time because I was just very confused because of my family,” saad niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Golden hour here is magical...✨ @gasbijoux #GasBijouxLoveMarie #MahalKongSorsogon

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

Naging bukas din si Heart sa kanyang mga nararamdaman habang ginagawa ang nasabing serye na aniya’y sumasalamin sa mga nangyayari sa kanya sa totoong buhay. 

“It was quite nice. I mean, it was real for me. And parang also because my story at that time, my character Eden, we were being torn apart. We were like in a different … parallel worlds. So in real life, I was also going through a personal struggle,” pagbabahagi ni Heart. 

LOOK: Jericho Rosales meets ex Heart Evangelista again

Dagdag pa niya: “It was such a big production. With ‘Hiram,’ I was with other artistas. It was my first time being a real leading lady. I enjoyed it. I really did. I think I enjoyed it a little too much.” 

Dito, ikinuwento rin ni Heart ang kanyang paglipad noon sa Brazil noong sila pa ni Daniel Matsunaga.

“I went to Brazil because I was with Daniel. You know, Daniel, when we were together of course, I loved him when we were together but I really loved him for the person he was,” ani Heart.

READ: Heart Evangelista, kumain sa resto ng ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga

Papapatuloy pa ni Heart: “But in some way, I knew that we weren’t for each other. I felt na he’s such a good guy, I knew somebody else could make him happy. I knew that parang we are just so different. I didn’t want to force it.

“The one with Daniel, it wasn’t that stressful. I felt bad for him because I really, really scared him. But it wasn’t the others like in the past and in the present. ‘Yung Panday days and then 'yung Chiz Escudero days, super stressful — the stuff that went on behind all the interviews, it’s crazy,” kuwento ni Heart. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Off to make memories. ✨ #MahalKongSorsogon

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

Samantala, ikinuwento rin ni Heart kung paano nagsilbing tulay ang namayapang si Senador Miriam Defensor-Santiago sa relasyon nilang dalawa. 

“Because Tita Miriam … when I broke up with my ex at that time, she told me that I needed to see more of the world. Like I needed to date people outside showbiz ganyan. And parang she had a list of different you know, eligible guys. I got calls from different people. It’s so funny,” pagbabahagi ni Heart. 

Hindi naman pinalampas ni Heart ang pagkakataon na aminin sa dating Senador ang kanyang lihim na pagtingin kay Chiz Escudero na ngayon ay nagsisilbing gobernador sa probinsya ng Sorsogon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Always the happiest when I’m with you, babe. ❤️ @escuderochiz

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

“Sabi niya, ‘Oh Chiz. Let me check if he’s annulled.’ She made a call, contacted Chiz and at the beginning he thought na meron siyang nasabing masama tungkol kay Tita Miriam na aawayin siya or something. And the ‘yun, she set us up together,” kuwento ni Heart. 

Saad ni Heart: “It took two months before I realized that he really liked me. You know, I thought we were just friends. But that’s how it started … with Tita Miriam.” 

Ikinuwento niya rin una nilang pagde-date. Bagama’t may pag-aalinlangan siya noong una dahil sa pagsama umano nito ng chaperone sa date nila, hindi naglaon at naramdaman niyang siya na ang taong pakakasalan niya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Find a man who can make you feel like the powerful woman that you are! ❣️ #MahalKongSorsogon

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

 

Inamin naman ni Heart na alam niyang si Chiz ang “the one” dahil hindi niya kailangang magpanggap tuwing kasama niya ito. 

“I know this sounds cheesy but ever since before talaga, I really liked him. I really looked up to him and when I met him in person, parang he did not disappoint. He was so more than I thought he would be. He was so normal to me… I knew he’s the one. I knew it right away. I married my dream guy,” ani Heart. 

Walong taon ng magkarelasyon sina Chiz at Heart.