Dagdag na dasal, hiling ni Jolo Revilla para kay Bong Revilla

Positibo sa COVID-19 si Bong Revilla Jr.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/20/2020 02:19 AM
Dagdag na dasal, hiling ni Jolo Revilla para kay Bong Revilla
Photo Credit: @jolo_revilla Instagram

Batid ngayon ang pag-aaalala ng mga kaanak at mga mahal sa buhay ni Senator Bong Revilla Jr. na positibo ngayon sa COVID-19.

Isa na dito ang anak ni Bong na si Jolo Revilla. Sa Instagram post, humingi ng dagdag na dasal ang anak ng Senator para sa agaran na pag galing ng kanyang ama.

“Panginoon, Kayo ang aming sandigan at pinagmumulan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon ng aming panahon. Itinataas namin sa Inyo ang aming bansa, at ang lahat ng aming mga kababayan na nagdurusa ng dahil COVID-19. 


“Sa Inyong banal na dugo, balutin po Ninyo ang aming frontliners upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin ng hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sariling kaligtasan.

“Ipinapanalangin din po namin ang lahat ng indibidwal na kasalukuyang pinahihirapan ng sakit na ito, upang sa agad silang gumaling at bumalik sa piling ng kani-kanilang pamilya.

“Itinataas rin po namin sa Inyo ang agarang paggaling ng aking Papa na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. Lubos po kaming nananampalataya na hindi Ninyo siya pababayaan at tuluyang pagagalingin upang muli namin siyang makapiling, maging ng aming mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran.

“Tanging Kayo lamang ang aming Tagapagligtas, kaya patuloy kaming mananampalataya sa Inyo. Malaki man ang hamon na aming kinakaharap dahil sa COVID-19, mas malaki at mas makapangyarihan pa rin ang aming Diyos na Tagapagligtas. Amen,” post ni Jolo sa Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Panginoon, Kayo ang aming sandigan at pinagmumulan ng ibayong lakas upang mapagtagumpayan ang pinakamalaking hamon ng aming panahon. Itinataas namin sa Inyo ang aming bansa, at ang lahat ng aming mga kababayan na nagdurusa ng dahil COVID-19. Sa Inyong banal na dugo, balutin po Ninyo ang aming frontliners upang patuloy nilang gampanan ang kanilang tungkulin ng hindi nalalagay sa alanganin ang kanilang sariling kaligtasan. Ipinapanalangin din po namin ang lahat ng indibidwal na kasalukuyang pinahihirapan ng sakit na ito, upang sa agad silang gumaling at bumalik sa piling ng kani-kanilang pamilya. Itinataas rin po namin sa Inyo ang agarang paggaling ng aking Papa na si Senator Ramon Bong Revilla, Jr. Lubos po kaming nananampalataya na hindi Ninyo siya pababayaan at tuluyang pagagalingin upang muli namin siyang makapiling, maging ng aming mga kababayan na kanyang pinaglilingkuran. Tanging Kayo lamang ang aming Tagapagligtas, kaya patuloy kaming mananampalataya sa Inyo. Malaki man ang hamon na aming kinakaharap dahil sa COVID-19, mas malaki at mas makapangyarihan pa rin ang aming Diyos na Tagapagligtas. Amen.

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

 

Nitong Martes, biglang sinugod sa ospital ang Senator matapos ang pagkakaroon ng pneumonia dulot umano ng COVID-19

READ: Bong Revilla develops pneumonia following COVID-19 diagnosis

Kamakailan lang ay nagpositibo din sa COVID-19 si Senador Migz Zubiri ngunit sa karagdagang testing ay negatibo naman ito.