Masayang binalikan ng singer impersonator na si Anton Diva ang kaniyang pagsisimula bilang isang fan ni Songbird Regine Velasquez.
Kuwento ni Anton sa naganap na episode ng “I Feel U”, isa ang kakaibang style ni Regine sa pagbirit ang dahilan sa kaniyang pag gaya at pag idolo sa singer.
“I remember 1990 when she released “Narito Ako’ parang sabi ko ‘grabe naman tong singer na to, napaka ano naman ng boses napaka taas tapos iba’ sa kanya ko lang narinig yun, bago ‘yung style. Sabi ko ‘gusto ko tong singer na ‘to susundan ko ‘tong singer na ito’. Bibilhin ko ang mga casette niya,” sabi pa ni Anton sa online chikahan with Toni Gonzaga.
Kaya naman bilang isang fan, accomplishment sa isang tulad niyang taga hanga ang makasama sa isang entablado si Regine at magbigay sa kaniya ng karera bilang isang recording artist.
“Parang alam mo ‘yung feeling na accomplished ka. It is an accomplishment na naging malapit ka sa iniidolo mo, parang hindi mo ineexpect na mangyayari tapos makakasama mo pa siya in one stage, singing with her together, ‘yung ganun parang Sabi ko nga ‘puwede na ako ma-tegi’ parang ganung level kasi ultimate na ‘yun e,” masayang kuwento ni Anton.
Aniya pa, hindi lang sa pagkanta niya iniidolo si Regine, reveal pa niya kundi na rin sa personal na katangian nito ay tila Regine na Regine na rin siya.
“Hindi lang sa pagkanta ko siya ginagaya, kundi doon sa pagiging bread winner niya doon sa pamilya niya ‘yun din ang importante sa akin. Kasi nakikita ko si Ate na maka-pamilya siya talaga, bago niya I-consider ang para sa kaniya, uunahin niya muna ang pamilya niya,” pag-amin ni Anton.
Sa huli, tanging pasasalamat ang ipinaabot ni Anton para kay Regine na naging malapit na rin sa kaniya bilang isang kaibigan.
“Nagpapasalamat ako (sa kaniya) kasi hindi nalilimit sa pag nagkikita lang kami ‘yung friendship at yung connection,” pahayag pa ni Anton.