• Home
  • Fresh Scoops
  • Di pa din papasukin ni Santino Rosales ang showbiz kahit na bigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang crush na si Nancy McDonie ng MOMOLAND.

Santino Rosales: ‘I look forward to meeting Nancy McDonie’

Di pa din papasukin ni Santino Rosales ang showbiz kahit na bigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang crush na si Nancy McDonie ng MOMOLAND.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2020 11:52 AM
Santino Rosales: ‘I look forward to meeting Nancy McDonie’
Photo Credit: @nancyjewel_mcdonie_ and @santino_rosales Instagram

Binatang-binata na ang anak ni Jericho Rosales na si Santino. Nineteen years old na siya ngayon at kapipirma lang ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) para sa hosting, modeling at endorsement projects.

Sikat ang ama ni Santino na si Jericho. Isa rin itong multi-awarded actor at nirerespeto sa industriya ng telebisyon at pelikula. Hindi ba mahirap maging anak ng isang katulad ni Jericho Rosales?

“No naman,” mabils na sagot ni Santino na football player ng Dela Salle University.


Patuloy ng binata, “I wouldn’t say so because… especially when we were together we know where to bridge the gap between whatever happens in his work, whatever happens in my work and what we have together as father and son. And I don’t really think that I’ve ever got a hard time of doing that.”

Masyadong pormal kausap si Santino na total opposite ng kanyang father na kalog at machika kaya tinanong siya kung meron din ba siyang makulit side na tulad ni Jericho at aniya, meron naman daw.

“He’s a very comedic person. I’d like to say that I do have that side also within me but it’s only a matter of time before I show people that side of me,” reaksyon niya.

Tinanong din namin si Santino kung may mga “boy talks” ba sila ng tatay niya at binibigyan din ba siya nito  ng advice pagdating sa babae. Ayon sa kanya, pinababayaan lang daw siya ng parents niya pagdating sa ganung bagay.

“Wala naman. Mom and dad they just really let me be because they truly believe in me. Kasi ako naman, I always try to respect everyone that I meet (girls),” lahad pa niya.

Dahil very vocal si Santino pagsasabing crush niya si Nancy McDonie ng Momoland posible ba na pumayag siya to do a film or TV project with her kahit ayaw niya talagang mag-artista?

Si Nancy ang kapareha ni James Reid sa isang television series.

“That's something I can’t answer on the spot. Just because for a person, I wouldn't really bend my plans too much,” matigas niyang pagtanggi.

“I look forward to meeting her, that's for sure,” dagdag naman niya na halatang kinikilig.

Samantala, masayang winelcome ng Viva si Santino bilang bago nilang artist.

“They were very welcoming and I didn’t really feel nervous at all. They made it a point to show that they really care and it’s a very nice privilege to be working with them,” huling pahayag ni Santino.