• Home
  • Fresh Scoops
  • Usapang idol ang tinalakay sa ‘I Feel U’ kasama sina Angeline Quinto at Regine Velasquez.

Regine Velasquez, nagbalik-tanaw sa unang pagkikita nila ni Angeline Quinto

Usapang idol ang tinalakay sa ‘I Feel U’ kasama sina Angeline Quinto at Regine Velasquez.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/18/2020 03:53 PM
Regine Velasquez, nagbalik-tanaw sa unang pagkikita nila ni Angeline Quinto
Photo Credit: @loveangelinequinto Instagram

Isa ang singer na si Angeline Quinto sa mga fan ni Songbird Regine Velasquez. Kaya naman sa naganap na episode ng I Feel U nitong Linggo, binalikan nina Angeline at Regine ang mga panahon ng kanilang unang pagkikita.

“First time I met her when I saw her in ‘Star For A Night’, hindi ko alam na naglu-look up siya sa akin, hindi ko alam na gusto niya ang mga kanta ko, hindi ko alam talaga. That was the first time I saw her she was a baby, batang bata, singkit na singkit pero, bibong bibo na talaga siya,” bungad na kuwento ni Regine.

 


 

Tanda rin daw ni Regine ang hindi niya malilimutan na paglalarawan noon sa nagsisimulang si Angeline na nais lang magpa-picture sa kaniya.

“I remember my father [Gerry Velasquez] told me I don’t know if it was a joke sabi ‘uy magpapa picture daw yung isang contestant sa ‘yo’ sabi ko ‘a talaga?’ sabi nung nanay may altar ka daw’ may altar daw ako sa bahay!,” masayang pag-alala ni Songbird.

Aminado rin si Angeline na totoo ito at mga retrato noon ni Regine ang isa sa mga kaniyang kolesyon.

“Ibig sabihin ni Mama Bob, may isang lugar ako sa kuwarto na puro picture lang talaga ni Ms Reg. Nung elementary ako, di ba uso sa mga ganun edad yung stationery, laging ganun pag mga babaeng mga bata. Yun ang laging binibili ng mga kaibigan ko,” sundot ni Angeline sa kuwento.

Aniya pa: “Kapag birthday ko, wala silang ibang nireregalo sakin kung ‘di mga ginupit na picture sa magazine at dyaryo ni Ms Reg naka envelope yun tapos ididikit ko lahat.”

Kaya naman, isang sagot sa pangarap ang achieve na achieve ni Angeline na nakakasama na niya ngayon sa isang entablado ang idolo.

 

 

“Lahat naman ng mga kilala ako. Alam na alam ‘to, si Ms. Reg kasi, isa yan sa mga pangarap ko na natupad, bukod sa kung ano man po ‘yung mga bagay na nabibigay ko kay Mama Bob. Alam na alam ni Mama Bob lalo si Ms. Reg ang pangarap ko,” sabi pa ni Angeline.

Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin daw nagbabago ang pakiramdam ni Angeline sa tuwing makaka-duet ang idolo sa bawat performance na ginagawa.

“Every time na kumakanta ako kasama siya, lagi lang ako bumabalik doon noong bata ako na ‘Ito yung gusto ko mangyari dati’ na every time ko napapanood si Ms. Reg, ‘yun iyon, walang iba,” paliwanag ni Angeline.

At bilang isang kontesera noon, isa si Angeline sa mga masasabing naging masuwerte dahil sa naabot niya ngayon. Kaya naman, isang payo rin ang Ibinahagi ng singer para sa mga aspiring singers na nagsisimula ngayon.

“Ako ang masasabi ko lang, kasi sa buhay naman natin hindi lahat madali. Na kung Ano ang gusto mo mangyari sa buhay mo at pangarap mo, makukuha mo agad,” aniya.

“Naniniwala ako na sa dinami rami ng mga singing contest na sinalihan ko, tinaggap ko yun ng buong puso dahil alam ko na meron talagang tamang panahon si Lord para sa akin,” sabi pa ni Ange.

Sa huli, isang pasasalamat rin ang ipinaabot ni Angeline para sa kaniyang idol na si Regine.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ms.Reg sabi nila fierce po, bakit nag wacky kayo? Ms.Reg: 😉🥰🥰🤪 😎🙈🙈 Ctto: @bangpineda 🤗

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

“Siguro kung ‘Di rin dahil sa mga kanta ni Ms. Reg, wala rin ako dito ngayon. Kailangan lang natin mahalin ‘yung mga mahal nating gawin. Kung ano ang gusto natin gawin ‘yun ang pagtuunan natin ng pansin ‘yun ang trabahuhin natin at wag na wag tayo makalimot na humingi ng guidance.”

Sa mga naabot ni Angeline, masayang masaya naman si Songbird na isa sa mga saksi sa pag-abot ni Angeline sa kaniyang pangarap.

“Sobrang proud ako na naging parte ako ng buhay niya, naging parte ako ng karera niya kahit paaano, na inspire ko siya to keep doing what she loves to do which is singing, I’m just so happy for her,” pahayag ni Regine.

2011 nang nakilala si Angeline Quinto bilang Grand Champion ng reality singing contest na Star Power hosted by Megastar Sharon Cuneta .