• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Yorme Isko Moreno kay Korina Sanchez ang ilang mga lugar sa loob ng Manila City Hall.

PANOORIN: ‘Yorme’ Isko Moreno inikot si Korina Sanchez sa loob ng Manila City Hall

Ipinasilip ni Yorme Isko Moreno kay Korina Sanchez ang ilang mga lugar sa loob ng Manila City Hall.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/18/2020 11:08 AM
PANOORIN: ‘Yorme’ Isko Moreno inikot si Korina Sanchez sa loob ng Manila City Hall
Screenshot from Rated Korina YouTube Channel

Bago maganap ang pandemya, nagkaroon ng pagkakataon si Korina Sanchez na makapanayam ang dating artista at ngayo’y hinahangaang pulitiko na si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!! #godblessourcountry #phvote


A post shared by Isko Moreno Domagoso (@isko_moreno) on

 

Maliban sa kanyang opisina, oval office, at bulwagan, ipinasilip din ni Yorme kay Korina ang payak na silid kung saan siya nagpapahinga sa loob ng Manila City Hall. 

READ: Mayor Isko Moreno and other Manila officials to donate April salaries to PGH

Noong una ay hindi umano makapaniwala si Korina halos pagiging perpekto Isko Moreno base sa rin sa sinasabi ng mga tao tungkol kanya. Ngunit mas lubusan niya itong nakilala nang makasama niya ito at napahanga na lamang siya sa tinatawag ng mga taga-Maynila na “Yorme.” 

“So much news about him. After the elections, he became Man of the Hour. Napakaraming balita tungkol kay Isko Moreno. Isa siyang artista na nag pulitiko na hindi inakala ng marami na sisikat nang husto ang bituin sa larangan ng public service,” saad ni Korina sa kanyang vlog.  

Dagdag pa niya: “Medyo diskumpyado ako nang una ko siyang ininterview. Could all good things said about Mayor Isko or YorMe as they call him be for real? Have to say: I was taken and impressed.”

https://www.instagram.com/p/CDQ8_sEF2wS/

Dito, napag-usapan din kung paano nadiskubre si Yorme noong ‘90s bilang artista at pinanood ang isang video na kinunan sa isang lamay. 

READ: Mayor Isko Moreno recounts first role in showbiz

Para kay Isko, tanggap niya na umano na may masasabi at masasabi talaga  ang mga tao. Ngunit para sa kanya, kailangan lang talagang maging matatag at pagtigbayan ang paniniwala sa Diyos. 

“Hindi mo naman mapipigilan na mag-isip ng masama laban sa’yo. Ang importante, if they do it, just be strong and try to cope with the challenges and believe in God,” ani Isko. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Ang Rated Korina ang bagong online show ni Korina Sanchez na kahalintulad ng kanyang Sunday magazine show na Rated K.

Matatandaang tuluyan nang nawala sa ere ang Rated K dahil sa pagsasara ng Kapamilya network.