• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang kinita ni Isko Moreno mula sa isang endorsement ang kaniyang idinonate sa simbahan ng Santo Niño De Pandacan.

Isko Moreno, personal na nag-abot ng donasyon sa nasunog na simbahan ng Pandacan

Ang kinita ni Isko Moreno mula sa isang endorsement ang kaniyang idinonate sa simbahan ng Santo Niño De Pandacan.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/18/2020 11:10 AM
Isko Moreno, personal na nag-abot ng donasyon sa nasunog na simbahan ng Pandacan
Photo Credit: Isko Moreno Domagoso Facebook

Personal na tulong ang ipinaabot ni Manila Mayor Isko Moreno para sa simbahan ng Pandacan sa Maynila.

July nitong taon, tinupok ng apoy ang simbahan ng Santo Niño De Pandacan na isa sa mga itinuturing na matatanda ng simbahan sa Maynila.

Sa pamamagitan ng Facebook post ni Mayor Isko, inihayag niya ang kanyang hangarin na tulungan ang nasira ng simbahan mula sa kinita niya sa kanyang pagmomodelo sa isang produkto.


“Bilang ating tulong sa reconstruction ng Sto. Niño Parish Church sa Pandacan, nakalikom po tayo ng total of P700,000. Ito po ay ang aking buong talent fee mula sa aking pagmomodelo sa Livergold at ito po ay agad nating inihatid sa kanila para po dagdag tulong sa pagsasa-ayos ng simbahan,” post ni Mayor Isko sa Facebook page.

Ayon pa sa Manila Mayor, isa sa naipangako niya sa pamunuan ng simbahan ang pag tulong para muling maisaayos ang nasirang simabahan ng Pandacan.

“Kung matatandaan po natin, ay tinupok po ng apoy ang halos buong Sto. Niño Parish Church noong July. Agad po natin binisita si Msgr. Sonny de Claro at nangakong maghahatid ng tulong sa kanila. Para sa mga minamahal kong taga-Pandacan, makakabangon po tayong lahat dito. Tiwala lang po at pananalig sa Diyos” pahayag ni Isko.