• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful ang talent manager na si Ogie Diaz na isa ang LizQuen sa mga hindi binibitawan ng ABS-CBN.

Ibang network nagpahayag ng interest kina Liza Soberano at Enrique Gil ayon kay Ogie Diaz

Thankful ang talent manager na si Ogie Diaz na isa ang LizQuen sa mga hindi binibitawan ng ABS-CBN.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/18/2020 11:02 AM
Ibang network nagpahayag ng interest kina Liza Soberano at Enrique Gil ayon kay Ogie Diaz
Photo Credit to Nice Print Photography

Kasunod ng franchise denial para ng ABS-CBN, ilang network ngayon at management team ang nagpahayag ng kanilang interest sa tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Kabilang na dito ang GMA7, TV5 at ang Viva Artist Agency. Ito ay ayon mismo sa talent manager na si Ogie Diaz na nagma-manage ngayon sa tambalan ng LizQuen.

“GMA expressed their interest. TV5 also and 'yung Viva. Nagbigay sila ng kanilang interes. This is a good problem for us pero siyempre priority muna namin ang ABS-CBN,” pahayag ni Diaz sa kaniyang bagong YouTube video.


Ayon pa kay Ogie, hindi niya isinasantabi ang mga alok na ito lalo pa at kailangan rin ng kaniyang mga alaga ng trabaho.

“Kapag wala talagang maibigay na ang ABS-CBN at in-allow naman silang lumipad sa ibang bakuran, doon pa lang kami magko-consider. Pero at least napakagandang problema nito para sa amin. Actually hindi ito problema. Isang ano lang ito, isipin,” sabi pa ng talent manager.

May alok man sa ibang network, thankful pa rin ang talent manager na hindi pa rin pinababayaan ng Kapamilya network ang kaniyang mga alaga.

“Actually, ang LizQuen ay isa sa mga hindi binibitawan ng ABS-CBN. As per Tita Cory Vidanes, nung nakausap ko, gumagawa naman daw sila ng paraan kung paano maitatawid 'yung mga love teams na pinoprotektahan nila at sinesecure talaga nila. Alam naman natin ang KathNiel, nadiyan iyan. Ang LizQuen andyan din,” aniya.

Sa katunayan, isang upcoming movie project ang nakatakdang gawin ng LizQuen sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

“One time last week, merong pinitch sa aming movie si Inang Olive (Lamasan) sa Star Cinema. Excited 'yung dalawa na gawin 'yung movie provided kailangan mag-flatten 'yung curve ng pandemya,” pahayag pa ni Ogie.

Sa ngayon, looking forward ang fans para sa upcoming projects ng LizQuen sa pamumuno ni Cathy Garcia Molina.