• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa pagsisimula ng pinakabagong digital series sa Kapamilya Online Live na pinangungunahan nina Jodi, Isa at Maricel, nanguna rin ang Original Soundtrack ng Ang Sa Iyo Ay Akin na inawit ng Aegis band.

Aegis Band, nagbabalik eksena sa kanilang bagong awitin

Sa pagsisimula ng pinakabagong digital series sa Kapamilya Online Live na pinangungunahan nina Jodi, Isa at Maricel, nanguna rin ang Original Soundtrack ng Ang Sa Iyo Ay Akin na inawit ng Aegis band.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

08/18/2020 02:02 PM
Aegis Band, nagbabalik eksena sa kanilang bagong awitin
Photo Credit to The Aegis Band Facebook

Sa pagsisimula ng pinakabagong digital series sa Kapamilya Online Live na pinangungunahan nina Jodi Sta Maria, Isa Calzado at Maricel Soriano, nanguna rin ang Original Soundtrack ng Ang Sa Iyo Ay Akin na inawit ng Aegis band.

Sa Facebook post ng banda ng Aegis, proud nilang ibinalita na sumampa na sa 1 million Facebook views ang music video trailer ng soundtrack ng bagong Kapamilya Online Live series.

“Maraming maraming salamat sa inyong lahaaaat. More than 1 MILLION Views na on Facebook ang #AngSaIyoAyAkin (Music Video Trailer) in just 3 Days,” caption ng Aegis band sa post.


Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay isa sa mga original composition ni Jonathan Manalo at ng ABS-CBN news anchor na si Bernadette Sembrano na produced by Star Music.

Patuloy na mapapakinggan ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa YouTube, Spotify at iba pang streaming platform.

Napapanood ang Ang Sa Iyo Ay Akin sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel.