• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkakahalaga na ng 1.5 bilyong piso ang Forbes Park mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao.

Mansyon nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park, binebenta ng PHP 1.5 billion?

Nagkakahalaga na ng 1.5 bilyong piso ang Forbes Park mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/17/2020 12:18 PM
Mansyon nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park, binebenta ng PHP 1.5 billion?
Photo Credit: @jinkeepacquiao Instagram

Hindi maikakaila na grandioso ang mansyon nina Manny at Jinkee Pacquiao sa pribadong subdibisyon sa Makati na Forbes Park. Ngunit alam niyo bang nasa merkado na ito? 

READ: ‘I’m not bragging, request niyo ito’: Jinkee Pacquiao vlogs about private beach house

Ang nasabing ari-arian na may laking 2,000 square meter ay nakalista sa www.presello.com, isang real-estate firm na kilala sa pagbebenta ng mga mamahaling bahay sa bansa partikular na sa kalakhaang Maynila. 


"Zen Inspired Luxury Mansion for Sale at Forbes Park,” paglalarawan ng Presello.

Nakalista ang 3-storey house ng pamilya Pacquiao na mayroong apat na garahe, limang kwarto, at pitong banyo sa tumatagingting na halagang 1.5 bilyong piso. 

Dati itong pagmamay-ari ito ng banker na si Lorenzo Tan at si Anton R. Mendoza naman ang nag-disenyo sa nasabing bahay. 

READ: WOW! Jinkee Pacquiao gives a tour of their mansion in General Santos City

Taong 2011 nang bilhin ni Manny ang nasabing ari-arian sa halagang 388 million. Ang ngayo’y Senador ay Congressman pa lamang noong mga panahong iyon. 

Samantala, umuwi sa probinsya ang pamilya Pacquiao matapos ang ilang buwang pananatili sa Maynila dahil sa lockdown.

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang ay ipinasilip ni Jinkee sa kanyang two-part vlog ang kanilang malawak na beach property sa Sarangani. 

Ang pamosong villa ng pamilya Pacquiao ay ibenenta na rin.