• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca King is starting a new chapter in her life—as soon as lockdown ends.

Bianca King says goodbye showbiz, hello Australia: ‘I’m moving on and starting a new chapter’

Bianca King is starting a new chapter in her life—as soon as lockdown ends.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/17/2020 05:52 PM
Bianca King says goodbye showbiz, hello Australia: ‘I’m moving on and starting a new chapter’
Photo Credit: @bianca_king Instagram

Mukhang lilisanin na rin ni Bianca King ang showbiz industry at ang Pilipinas kung ang pagbabasehan ay ang kanyang latest post sa Instagram account.

“Something I won’t get to do anymore ever… shoot videos in this kitchen. Will miss the comfort of creating content with friends in this house that sparked so much creativity,” caption ni Bianca tungkol sa kanyang beautiful kitchen na madalas niyang gamitin sa kanyang cooking vlog kasama ang ilang celebrities.

Bianca was part of the ABS-CBN hit series na Pusong Ligaw kung saan ginampanan niya ang karakter ni Margarette “Marga” Dimaawa, na kontrabida ng karakter ni Beauty Gonzalez. Kasama rin sa series si Sofia Andres na naging ka-close niya at nakasama pa sa iba’t ibang cooking vlog.


“I’m moving on and starting a new chapter. Maybe a different kitchen in a different home? @gabbycantero_ come to Sydney?” bahagi ulit ng kanyang post. Si Gabby ang kaibigang photographer ni Bianca na tumutulong sa kanyang vlogging.

Ang tinutukoy ni Bianca kung saan siya magsisimula ng new chapter ay ang Sydney, Australia.

Kaagad namang nag-react ang fans at followers ni Bianca sa kanyang latest post. Wini-wish din ng netizens na maging okey ang buhay niya sa Australia.

“[OMG] I will miss your kitchen! and your pretty bedroom,” komento ni @arriannemeg na sinagot naman ni Bianca ng, “my next home will be just as pretty.”

Hindi rin daw siya mami-miss ng kanyang fans dahil palagi naman siyang nasa Instagram.

“I’m not going anywhere. I will still be right here on Instagram everyday. No one is really seeing each other now since everyone is home. I see and speak to my friends more often now via Face Time and Zoom. Same same!” lahad pa niya.

Ayon pa sa post ni Bianca, “I’m just waiting for the borders to open. I’m still here but will fly back when it’s safe.”