Angeline Quinto, aminadong may nagpapasaya sa kanya ngayon

May mensahe rin si Angeline Quinto sa kaniyang TOTGA.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/17/2020 10:53 PM
Angeline Quinto, aminadong may nagpapasaya sa kanya ngayon
Photo Credit: @loveangelinequinto Instagram

“Actually ngayon meron naman po.”

Ito ang naging pag-amin ng singer na si Angeline Quinto nang kamustahin ang kaniyang buhay pag-ibig ngayon.

Kuwento ni Angeline sa naganap na episode ng “I Feel U” nitong Linggo, Agosto 16, masaya siya at bakas ang kilig  sa mga mata ng singer ngayon.


“Yes po. (Inspired) Pero hindi ko pa siya napapakilala kay Mama Bob, hopefully ate Toni pag-maayos na lahat sana mapakilala ko na,” sabi ni Angeline sa "I Feel U" host na si Toni Gonzaga.

Matatandaan na Marso nitong taon nang umugong ang napabalitang bagong inspirasyon ng singer na isang non-showbiz guy.

READ: Is this Angeline Quinto’s new boyfriend?

Bukod sa blooming na love life, inspirado rin ngayon ang singer dahil sa quality time na kanyang ginugugol para sa kanyang pamilya at lalo sa kanyang Mama Bob.

Ayon kay Angeline isa ito sa masasabi niyang mabuting dulot ng pandemya ngayon.

“Siguro ang pinaka biggest achievement ko ngayong quarantine is yung araw-araw na mayroon akong sobrang oras for Mama Bob,” aniya. 

 







View this post on Instagram







 

❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on 

 

“Kasi ‘yan ang hindi ko nagagawa nung marami akong trabaho, ngayon mini-make sure ko talaga na lagi kaming sabay kumain, kung ano man ang gusto niya, ‘yun ang gagawin ko basta for mama Bob,” lahad pa ng singer.

Sa panayam, sumalang din sa question and answer portion si Angeline, kung saan sinagot niya ang mga tanong mula sa kaniyang mga taga-hanga.

Isa na dito ang tanong ng fans kung ano para sa singer ang magiging rason niya para talikuran ang showbiz.

“Siguro pag tumanda na ako at ‘pag hindi ko na kaya. Pero as long as kaya ko pa kumanta, as long as kaya ko pa mai-share ang kung ano ang gusto ko para sa mga tao na sumusuporta sa akin, tuloy-tuloy lang ako,” sambit pa ng singer.

Naitanong din kay Angeline kung sino ang masasabi niya na kaniyang TOTGA o “The One That Got Away”.

Matatandaan na ilang showbiz personality na rin ang nai-ugnay kay Angeline tulad nina Coco Martin at Erik Santos, na huling na-link sa singer.

“Siguro kung ano man ang meron siya ngayon, I’m sure na happy siya. At sana dumating ang time na ako naman yung matiging masaya sa buhay pag-ibig ko, sana ganun din siya kasaya,” pahayag ng singer para sa kanyang TOTGA na hindi niya pinangalanan.