• Home
  • Fresh Scoops
  • Mainit na palaiisipan ngayon sa social media kung sino ang tila pinatutsadahan ng singer na si Angeline Quinto.

‘Stop checking my page’: Angeline Quinto, nagpasaring sa social media

Mainit na palaiisipan ngayon sa social media kung sino ang tila pinatutsadahan ng singer na si Angeline Quinto.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/16/2020 08:38 AM
‘Stop checking my page’: Angeline Quinto, nagpasaring sa social media
Photo credit: @loveangelinequinto IG

Tila palaiisipan ngayon sa netizens ang mga social media post ng singer na si Angeline Quinto.

Dahil ito sa mga sunod sunod na tila pasaring ng singer nitong nagdaang mga araw sa isang tao na tila nag mamatyag sa kaniyang mga post.

Kabilang na dito ang isang selfie ni Angge kung saan may nakalagay na caption na “I’m good Luv, stop checking my page,” ani Angeline.


 

 

Makikita rin ang isang post na tila naubusan siya ng pasensiya sa bagay na di niya idinetalye. “I started the week with a big box of patience. The box is empty now.”

 

 

Ramdam man sa mga post ni Ange ang tila inis, nanatili pa rin na mahaba ang pasesnya niya na huwag na itong palakihin pa aniya sa post. “You hate me? Well okay. Grab a chair and wait for me to care.”

 

 

Mas umugong naman ang palaiisipan ngayon na isang babae ang pinatutsadahan ni Angge sa kaniyang mga post dahil sa kaniyang “Go Girl” sa isang post na, “if you have an opinion about my life, please raise your hand. Now put it over your mouth.”

 

 

Hindi man malinaw sa karamihan kung sino ito, nanatili namang tikom si Angeline at hindi na pinapangalanan ang kaniyang nakakasagutan sa social media.