• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni Megastar Sharon Cuneta ang eleganteng bahay na kanyang ipinapatayo.

PANOORIN: Sharon Cuneta, nagbigay pasilip sa ipinapatayong bahay

Ipinasilip ni Megastar Sharon Cuneta ang eleganteng bahay na kanyang ipinapatayo.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/16/2020 04:31 PM
PANOORIN: Sharon Cuneta, nagbigay pasilip sa ipinapatayong bahay
Photo credit: @reallysharoncuneta IG

Nagbigay pasilip si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang ipinapatayong bahay gamit ang isang 3D architectural animation. 

Sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Sharon na magkakaroon na ng sariling tirahan ang mga alagang aso.

This is one of the areas I am most excited about over the new house we are building. My little doggies here in our condo now are staying in the main house with us. But my Chow Chow Mochi, KC’s Chow Chow Po, KC’s ShihTzu Grandpa, and Kakie’s Beagles Bea and Cupcake are ‘coming home’ with us to the new house. And so they will have their own,” ani Sharon. 


READ: ‘Is it my paraiso’: Sharon Cuneta wants to buy back the home she grew up in

Nilinaw naman ni Sharon na computer-generated pa lamang ito kaya naman hindi pa aniya ito ang magiging eksaktong hitsura ng kanyang bahay. “This Computer-Generated video of their area isn’t yet an accurate representation of it,” saad ni Sharon.

Pagpapatuloy pa ni Sharon, plano niyang palagyan ng grooming area at dog run na may kasamang playground ang kanyang ipinapatayong bahay bilang paghahanda sa plano niyang pagbi-breed ng mga aso. Ito ay maliban pa sa pagsuporta niya sa mga rescue dogs. 

Aside from their house, they will have a grooming area, and a dog run with a playground! Plus-MORE BIG DOGS to play with. I think one of my callings aside from supporting rescues is - TO BREED MY FAVORITES! To sell. Something to look forward to when I retire. At least they’ll be in a loving home and there won’t be too many of them. Nothing wrong with that. Especially if they are your passion,” pagbabahagi ni Sharon. 

Humingi naman ng paumanhin si Sharon sa kanyang mga followers at ipinaliwanag kung bakit hindi niya naipakita ng buo ang floor plan nila. 

I am sorry I can’t show you the whole video of the house. When I posted here on IG my Architect’s renderings/parang photos na-of my then new house, one day I was surfing the net and nagulat ako may binebenta na na eksaktong design ng bahay namin pero mas maliit! I changed everything. And I reduced the size of the floor area,” ani ni Sharon. 

Dagdag pa niya: To me this is the right size okay? Magkakaiba ang sa tingin natin ay ‘tama’ kaya don’t judge me please ha? Remember - we all have different realities. What is normal to you may not be normal to me, and vice-versa. Ang importante, masaya ang nasa bahay. YUN ANG DAPAT IDASAL.”

Nangako naman si Sharon na gagawa siya ng house tour sakaling matapos na ang pagpapagawa sa kanyang bahay. Ngunit ayon sa 54 anyos na beterang artista, mukhang aabutin ng dalawang taon bago ito matapos dahil sa COVID. 

Ani Sharon: “I promise I’ll give you a proper tour of the house pag natapos na. KUNG matapos. Kung matapos din ang COVID. Basta ginagawa na siya kaya happy ang workers kasi may trabaho sila. It might take around two years to build daw according to my contractor so tamang-tama. Di na ako masyado siguro nagtatrabaho non. Ang ganda. Mali yata ang timing. Sabay mag-aalisan mga anak ko para mag-college sa ibang bansa!” 

Pagpapatuloy pa ni Sharon, wish niya magkaroon na siya ng apo: “Kung gusto pa nila. At kung wala na ang COVID. Eh di pano magbobowling kami ni Miguel sa loob ng bahay chaka taguan? Ngek. Haaaay magkaapo naman sana ako. Kundi sorry Kiko dadami talaga mga aso ko. Hahaha. Neighbor! Di ako makatulog. Dami iniisip. Kainis.” 

Silipin ang kanyang ipinapagawang bahay sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

This is one of the areas I am most excited about over the new house we are building. My little doggies here in our condo now are staying in the main house with us. But my Chow Chow Mochi, KC’s Chow Chow Po, KC’s ShihTzu Grandpa, and Kakie’s Beagles Bea and Cupcake are “coming home” with us to the new house. And so they will have their own. This Computer-Generated video of their area isn’t yet an accurate representation of it. Aside from their house, they will have a grooming area, and a dog run with a playground! Plus-MORE BIG DOGS to play with. I think one of my callings aside from supporting rescues is - TO BREED MY FAVORITES! To sell. Something to look forward to when I retire.😊 At least they’ll be in a loving home and there won’t be too many of them. Nothing wrong with that. Especially if they are your passion. Life is short di ba I always say?😊 I am sorry I can’t show you the whole video of the house. When I posted here on IG my Architect’s renderings/parang photos na-of my then new house, one day I was surfing the net and nagulat ako may binebenta na na eksaktong design ng bahay namin pero mas maliit! I changed everything. And I reduced the size of the floor area.To me this is the right size okay? Magkakaiba ang sa tingin natin ay “tama” kaya don’t judge me please ha? Remember - we all have different realities. What is normal to you may not be normal to me, and vice-versa. Ang importante, masaya ang nasa bahay. YUN ANG DAPAT IDASAL. I promise I’ll give you a proper tour of the house pag natapos na. KUNG matapos. Kung matapos din ang COVID. Basta ginagawa na siya kaya happy ang workers kasi may trabaho sila. It might take around two years to build daw according to my contractor so tamang-tama. Di na ako masyado siguro nagtatrabaho non. Ang ganda. Mali yata ang timing. Sabay mag-aalisan mga anak ko para mag-college sa ibang bansa! Kung gusto pa nila. At kung wala na ang COVID. Eh di pano magbobowling kami ni Miguel sa loob ng bahay chaka taguan? Ngek. Haaaay magkaapo naman sana ako. Kundi sorry Kiko dadami talaga mga aso ko. Hahahaha🤪 Neighbor! Di ako makatulog. Dami iniisip. Kainis. Goodnight again. Hope you all rest well tonight.🙏🏼❤️⭐️😘

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Matatandaang nitong nakaraang buwan lang ay ibinahagi ni Sharon ang kanyang pangarap na mabili ang bahay na kanyang kinalikahan sa Paraiso Street sa Makati. 

Kasalukuyang nakatira si Sharon ngayong sa isang condo.