Muli na namang nagbigay ng inspirasyon sa maraming netizens ang Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda nang ibahagi nito kung paano naisakaturapan ng kaniyang asawa na si Neri Naig ang kanyang pinapangarap na mabiling lupain.
READ: Chito Miranda thankful to spend more time with family amid pandemic
Unang ikinuwento ni Chito ang kanyang mga natutunan tungkol sa paghahawak ng pera kabilang na aniya’y hindi paglalagay nito sa isang lugar lamang.
“Save what you earn and spend what is left, instead of saving what is left after spending what you earn.’ Yun ang pinaka-importanteng natutunan ko when it comes to handling money. The 2nd was not to put all my eggs in one basket,” saad ni Chito.
Hindi umano makumbi-kumbinse si Chito na mag-invest sa mga negosyo noon dahil sa kakulangan sa oras dulot ng pagbabanda. Ngunit isang araw ay pinayuhan umano siyang ilaan sa iba’t-ibang bagay na puwedeng mapagkakitaan ang kanyang naipong pera upang mas lumago pa ito.
READ: Chito Miranda has renewed appreciation for ‘stay-at-home’ home Neri Naig
“Dati, whenever I was asked to invest sa isang negosyo, I'd say no because wala akong time para tutukan yung business, because I felt that I needed to focus all my energy sa Parokya since it was my primary source of income, and ang plano ko lang was tumugtog at mag-ipon,” ani Chito.
Pagpapatuloy niya: “Then someone told me to diversify my investments and sources of income...para kung may mawalang isa, may iba akong mapagkukunan ng pera.”
Bagama’t tumigil ang kita sa pagtugtog dulot ng pandemya, malaki ang pasasalamat ni Chito sa mga naipundar na negosyo dahil nagsilbi itong daan upang hindi magalaw ang kanyang ipon.
“Nung nag-lockdown, biglang tumigil lahat ng gigs. Kung umasa lang ako sa pagbabanda, wala sana akong ibang mapagkukunan to provide for my family aside sa ipon na sobrang bilis ma-ubos kung hindi nare-replenish,” saad ni Chito.
READ: Neri Naig shares tips on how to save money
Ibinahagi rin ni Chito na sa kalaunan ay siya na mismo ang nagturo sa kanyang asawa na si Neri kung paano mag-ipon at kung saan dapat ilagay ang kinikita nilang pera.
“Another thing I did was to ‘invest’ in my wife...not necessarily financially, but more of yung time and support she needed for her to succeed on her own. Tinuruan ko si Neri mag-ipon at kung paano mag-invest,” ani Chito.
READ: Chito Miranda, Neri Naig, ipinasilip ang pagtatayuan ng kanilang “dream house”
Dagdag pa ni Chito, mas malaki na umano ang kinikita ni Neri ngayon kaysa sa kanya dahil hinahayaan niya itong tutukan ang kanyang layunin.
Aniya: “More importantly, instead of simply saying ‘ako na bahala sa lahat...asikasuhin mo nalang ‘yung bahay’, whenever possible, I would say, ‘ako muna dito sa bahay...asikasuhin mo yung mga kelangan mo gawin’, which gave her the time and energy to focus on her goals. Ngayon, mas malaki na sya kumita kesa sakin (even before mawala yung gigs!”
Patuloy naman umano ang negosyo ng kanyang misis na nagbebenta ng mga pagkain at iba’t-ibang gamit online.
“At nung tumigil yung tugtugan, at least hindi ako masyado na-stress dahil aside from the fact na nakagawa ako ng mga secondary sources of income, alam ko na kaya kaming buhayin ng asawa ko sa pamamagitan ng pagbenta ng tuyo, suka, kape, pajama, at beddings pam-bed and breakfast lang eh. I’m proud to say na ako pa rin ang provider...pero mas proud ako kay Neri dahil sobrang laking tulong nya sa amin because of her online businesses,” saad ni Chito.
https://push.abs-cbn.com/2018/12/8/fresh-scoops/chito-miranda-ibinahagi-kung-ano-ang-financial-se-197677
Hindi naman naiwasang maging emosyonal ni Chito nang ikuwento niya kung paano naiskatuparan ng kanyang misis ang naudlot niyang plano na bilhin ang isang bakanteng lote.
“Siya yung nagtuloy sa mga natigil kong mga plano...tulad ng lupa na 'to na balak ko bilin pero na-udlot dahil sa COVID. Binili niya para sa akin,” pagbabahagi ni Chito.
https://www.instagram.com/p/CBr8WLsAmBs/
Pagpapatuloy pa niya: “Eto yung bunga ng pagiging ma-ingat at wais ko sa pera, at pagiging supportive na husband. Kumbaga sa zombie apocalypse, mas mabuti nang dalawang kayong magaling makipaglaban, kesa sa mag-isa ka lang.”
Tingnan ang kanyang post sa ibaba:
Noong nakaraang taon lang ibinahagi nina Chito na may ipapatayo silang bagong bahay.
May isang anak sina Chito at Neri na nagngangalang Miguel.