• Home
  • Fresh Scoops
  • Inalala si Emman Nimedez ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya kasunod ng pagpanaw nito.

Mga personalidad, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Emman Nimedez

Inalala si Emman Nimedez ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya kasunod ng pagpanaw nito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/16/2020 07:37 PM
Mga personalidad, nagpaabot ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Emman Nimedez
Photo credit: @michellevito and @yexelsebastian Verified on Instagram

Bumuhos ang pakikiramay sa yumaong vlogger na si Emman Nimedez kasunod nang pagpanaw nito. 

Read: YouTube vlogger Emman Nimedez passes away after battle with leukemia

Linggo ng madaling araw, Agosto 16, sumakabilang-buhay na ang YouTuber na si Emman Nimedez pagkatapos ng ilang buwang pakikibaka sa sakit na acute myeloid leukemia. 


Ilan lamang sina Jayson Gainza, Eric Tai, Alexa Ilacad, John Manalo, Alodia Gosiengfiao, bandang Ben&Ben, at mga kaibigan nito sa Team Payaman sa nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati sa pagkamatay nito. 

Read: Here’s why vlogger Emman Nimedez is special for OPM group Ben&Ben

“I am deeply shocked and saddened. Not only is he a friend and colleague but a teammate as well.. our carry for Team Sapphire. An extremely talented creator and humble guy... Dear Emman, you will be missed. Deepest condolences to his family and friend,” caption ni Alodia Gosiengfiao

"Rest in Peace #Emman ilang beses pa lang tayo nagkasama. Nakikinig ka lang sa kwentuhan pero tahimik pero ang husay mo sa mga Korean MTV me style ka ng pagpapatawa mo kaya hanga ako sa ‘yo. Pahinga ka na, bro. Rest In Peace," saad naman ni Jayson Gainza. 

Tingnan ang mensahe ng ilan pa sa kanila sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sorry talaga lil bro, di kita nabuhat this time.. 😢

A post shared by Eric Tai “ERUPTION” (@eruption23) on

 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

isang patunay emman na marami na tayong napagsamahan.. 😔 naalala ko pa nung kausap ko si @jomlabayen at sinabi niya sa akin na gusto ka daw niya ilagay sa isang episode niya sa luv u at sabi ko agad “oo brad solid siya!” tapos unang taping mo gumawa agad tayo ng content para sa channel mo.. hindi ko malilimutan lahat ng pagsasama natin sa bawat taping at sa lahat ng oras na andyan ka para sa akin, kwentuhan sa tawag o text.. maraming salamat sa pagkakaibigan Emman, hinding hindi kita malilimutan at lahat ng saya na ibinigay mo sa akin at sa lahat ng tao na sa paligid mo. para sa akin isa kang alamat sa lahat ng mga nagawa mo.. mahal na mahal kita Emman, hanggang sa muli.. rest in power aking kaibigan 💔

A post shared by Jairus Reuel Aquino™ (@dothejairusaquino) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Love you buddy, the pain is all gone ❤️❤️❤️ . For those who aren’t too familiar, Emman was one of the OG youtubers in this country and throughout his time, he remained as one of the most underrated and authentic creators on the platform. He was filled with a unique creativity that can’t be matched and he never stepped on anyone’s feet getting to where he got. More than anything he was incredibly nice - something that in this current day and age is extremely overlooked and it’s what this world needs now more than ever. One of our last physical encounters was this moment, late in the night and he had offered to give me a ride home even though it wasn’t anywhere near where he was going. It’s such a small gesture of kindness but it really meant so much to me and I never got to repay him. All I can do is pay it forward and express kindness to others and share his carefree energy with the world around me. . You’ve impacted millions, you made your mark, and at only 21 years old youve accomplished more than most people do in their entire lives. Your legacy, your spirit, and all the beautiful aspects of your personality will continue to live on through #TeamPayaman and all those you’ve touched. No more pain, Rest In Peace buddy. Love you so much man ❤️❤️❤️

A post shared by Wil Dasovich (@wil_dasovich) on

 

 

 

 

 

 

 

 

Matatandaang nitong mga nakaraang araw lang ay nanawagan pa ang pamilya ni Emman para sa tulong pinansyal. 

Read:Pamilya ni Emman Nimedez, nanawagan para sa tulong pinansyal

Binawin ng buhay si Emman ala-una ng madaling araw nitong Linggo, ika-16 ng Agosto sa St. Luke’s Medical Center. 

Taong 2017 nang makilala si Emman dahil sa mga spoof nito ng mga sikat na K-Dramas na agad na-viral sa social media.