• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga, hindi daw naiisip mag-quit sa showbiz habang naka-break.

Diego Loyzaga ibinahagi ang naging realizations sa three-year showbiz break

Diego Loyzaga, hindi daw naiisip mag-quit sa showbiz habang naka-break.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/16/2020 01:32 PM
Diego Loyzaga ibinahagi ang naging realizations sa three-year showbiz break
Photo credit: @loyzagadiegs Twitter Page

May mga realizations si Diego Loyzaga sa tatlong taon niyang showbiz break dahil sa mga personal na issues na kailangang harapin.

Lahad ng aktor, “I don’t want to call it taking a break kasi yung taking a break baka isipin n’yo na wala akong ginagawa – hindi, eh.

“Parang I think, that’s the first time in my life na I put myself first in the sense na tinanong ko ang sarili ko, ‘Kumusta ka ba? Is this really what you want to do? Are these the people you want to be associated with? Is this the career path you want to do for the next five years?’


“Nung bata tayo and I think lahat naman tayo, tinatanong tayo, ‘Where do you want to see yourself in the next five years? Where do you want to see yourself for the next 10 years?’

“Yon ang ginawa ko nung break ako, so I reflected on kung ano yung next decision na gagawin ko sa buhay ko and saan kaya ako nito dadalhin sa next chapter ng life ko. Marami pong realizations.”

 Kumusta naman ba ang buhay na malayo sa showbiz?

“Happy naman,” nakangiti niyang sagot.  “I was happy not because I was away from the limelight but I also think it’s important for people to have time also for themselves – yung to find yourself,” dagdag ni Diego.

“Sometimes people need to reflect—have time to reflect of what they want to do in life, what they want to become, where they are now, what’s happen in the past. And then just got ready for that next chapter sa life.

“So, yung time na away ako, it made me realize a lot of things  and what I wanted to do. And that’s why I’m back here now with the next chapter of my life and ready for it.

“In my time of reflection naisip ko pa rin na ito pa rin yon, eh. Gusto ko talagang maging artista. Gusto kong maging isang mahusay na aktor at makagawa ng  mga proyekto na yung mga tao ma-appreciate nila lahat dahil yon ang passion ko at gusto ko sa buhay,” paliwanag ni Diego.

Hindi naman daw sumagi sa  isip niya tuluyan nang mag-quit sa showbiz habang naka-break siya.

“Hindi naman po. Sa lahat ng nangyari sa akin, I think  kasama naman yan sa buhay, eh. Lahat naman tayo nagkaka-heartache, nagkakaproblema sa trabaho. Lahat naman ng tao may pagsubok na dumarating sa buhay nila. Sometimes ready tayo, sometimes hindi. Pero hindi ibig sabihin na dapat pack-up na tayo,” rason pa ng bagong Viva artist.

Kung masusunod, gusto lang ni Diego ng simpleng buhay habang nag-aartista.

“Puwede namang maging simple ang buhay ng isang artista unless ikaw na rin mismo yung nagpapa-kumplikado sa buhay mo. Feeling ko naman kaya kung ma-achieve yung simpleng buhay pero nag-aartista pa rin ako,” huling pahayag ng aktor.