• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang vlogger na si Emman Nimendez, na lumalaban sa sakit na acute myeloid leukemia.

Pamilya ni Emman Nimendez, nanawagan para sa tulong pinansyal

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang vlogger na si Emman Nimendez, na lumalaban sa sakit na acute myeloid leukemia.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/15/2020 04:30 PM
Pamilya ni Emman Nimendez, nanawagan para sa tulong pinansyal
Photo credit: Emman Nimedez FB Page

Patuloy ang paghingi ng dasal at panalangin ng pamilya ng vlogger na si Emman Nimendez, na patuloy na lumalaban sa sakit na leukemia.

Si Emman ay nakilala sa kaniyang mga nakatutuwang content sa kaniyang YouTube channel at naging viral dahil sa kaniyang pagbabahagi ng ngiti at good vibes sa kaniyang mga subscriber.

Pero iba ngayon ang sitwasyon ni Emman at matatandaan na buwan ng Mayo nitong 2020, isang maramdaming  video ang ibinahagi ni Emman kung saan inamin niya na mayroon siyang acute myeloid leukemia.


READ: Online sensation Emman Nimedez opens up about battle with leukemia

Kasunod ng video upload ni Emman, agaran na sumailalim sa pagsusuri at gamutan ang YouTube personality.

At nitong Agosto 14, sa pamamagitan ng isang post gamit ang Facebook page ni Emman, nagbigay update ang mga kaanak ng social media personality sa kaniyang kalagayan ngayon at sinabing “kritikal at unstable” si Emman. 

Photo courtesy Emman Nimendez Facebook Page

(Yung mga photos na po na to eto po yung bago mangyare yung mga nararamdaman nya.. hindi napo ako nakapag picture dahil po gusto ko po makapagfocus sakanya nung mga panahon nayun)

“Sa mga nakakabasa po nito gusto ko lang po ipaalam na Dinala po sa ICU si Emman kagabi dahil po sa kidney failure and blood complication. 

"Nawalan po siya ng malay around 10pm, tinry ko po siyang gisingin pero di na po siya nagrerespond. Hindi pa namin siya nakausap since kagabi. Bago po siya pinasok sa ICU kausap po namin siya kasama ang team payaman at mahal nya sa buhay and alam kong naririnig nya yun dahil tumatango po sya at nakahawak ng mahigpit sa kamay ko. 

"Ngayon po ay critical condition nya at unstable,” bahagi ng Facebook post.

Batid rin ng pamilya ni Emman ang bigat ng gastos na kanila ring idinudulog ngayon sa pamamagitan ng pagkalap ng donasyon mula sa may mga mabubuting loob.

“Kailangan po namin ng suporta at tulong nyo ngayon malaki man o maliit ang halaga. Pera man o simpleng pag share lang ay malaking tulong na po yun para sa kay Eman,” ani pa sa post.

“Kitang kita ko na gusto nya po lumaban. Kasi everytime na sinasabe ko "lalaban tayo ha" tatango sya. Hinahawakan nya yung kamay ko ng mahigpit at alam ko na lalaban tayo na magkasama sa pagsubok na to. Kaya mo yan Mahal. Alam kong kaya mo,” pahayag sa post na sinulat ng nagngangalang Peachy.

Mababasa rin sa komento na inamin ng kaanak ni Emman na mayroon na silang balanse ngayon sa ospital na naghahalaga ng 1.5 milyong piso.

“Meron po kaming outstanding balance na kailangan bayaran ng hanggang Wednesday po na 1.5 million po. Maraming salamat po sa pag mamahal nyo kay emman. Lalaban sya,” pahayag pa ni Peachy gamit ang Facebook ni Emman.

Sa ngayon, kasalukuyan na naka admit si Emman sa hospital para matutukan ang kidney failure at blood complications na kaniyang nararamdaman ngayon.

Para sa mga nagnanais tumulong, narito ang mga impormasyon ng kaanak ni Emman.

BDO ACCOUNT- 005440094696
Kristine Marie Nimedez Arcansalin

GCASH ACCOUNT -

09051710388 (EXCEED AMOUNT)
Peachy Santos

09674520724 (EXCEED AMOUNT)
Peachy Santos

09062482784
Kristine Marie Nimedez

09274973307
Louie Nimedez (EXCEED AMOUNT)

09176586645
Gabriel Ezra N. Gaddi

09175310953
Lourice Ann M. Calisin-Gaddi

09451197800
Rhafael Nimedez

PAY MAYA ACCOUNT

09062482784
Kristine Marie Nimedez