• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend, ibinahagi ni Rhap Salazar kung paano siya nag-come out sa kanyang pamilya bilang miyembro ng LGBTQ+ community.

Rhap Salazar binalikan kung paano siya nag-come out sa kanyang pamilya

Sa unang pagkakataon matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend, ibinahagi ni Rhap Salazar kung paano siya nag-come out sa kanyang pamilya bilang miyembro ng LGBTQ+ community.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/14/2020 06:32 PM
Rhap Salazar binalikan kung paano siya nag-come out sa kanyang pamilya

Sa unang pagkakataon matapos niyang ipakilala sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend, ibinahagi ni Rhap Salazar kung paano siya nag-come out sa kanyang pamilya bilang miyembro ng LGBTQ+ community.

 

 

“I decided to come out to my family which was very challenging yet soul-satisfying," ani ng singer sa panayam ng PEP.ph.

READ: Rhap Salazar posts photo with boyfriend on Pride month

"Nobody pushed me to come out. It is just I want to be more of myself. I started to love myself more and be happy," dagdag pa niya.

Ayon kay Rhap, hindi lingid sa kaalaman niya na pinagu-usapan ng ibang tao ang kanyang kasarian mula pa noong unang pumasok siya sa showbiz. 

"“It was a struggle somehow, kasi madami nga ang nakakakita at madami silang nasasabi sa bawat kilos o galaw ko. I find it really insulting kapag tinatawag akong ‘bakla,’ ‘bading,’ or ‘gay’ when I was little. Sobrang uncomfortable 'yung pakiramdam,” aniya.

“Before, I am aware that people were questioning na about my gender, and tahimik lang ako at ini-enjoy lang ang work with ABS-CBN. Until I learned how to accept who I really am. From insult, naging lakas ng loob ko na siya,” saad pa niya.

Matapos niyang mag-come out sa kanyang pamilya, hindi na umano naaapektuhan si Rhap ng mga komento tungkol sa kanyang sekswalidad.

“It doesn’t affect me anymore. Nakalakihan ko na 'yung mundong puno ng panghuhusga. So, as long as wala akong ginagawang masama sa kapwa, tuloy ang buhay,” sabi niya. 

“Masaya ako kung ano ako at masaya ako na ang pamilya at mga kaibigan ko ay tanggap ako," patuloy niya. 

"Coming out was really the best relief na naramdaman ko sa sarili ko," dagdag pa niya.