• Home
  • Fresh Scoops
  • Niligawan si Korina Sanchez ng aktor na si Fernando Carillo na leading man ni Thalia sa seryeng ‘Rosalinda.’

Korina Sanchez, inaming minsan nang niligawan ng leading man ni Thalia sa ‘Rosalinda’

Niligawan si Korina Sanchez ng aktor na si Fernando Carillo na leading man ni Thalia sa seryeng ‘Rosalinda.’

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/14/2020 09:08 AM
Korina Sanchez, inaming minsan nang niligawan ng leading man ni Thalia sa ‘Rosalinda’
Photo Credit: @korina Instagram

“Niligawan ako.”

Ito ang naging rebelasyon ni Korina Sanchez tungkol sa Venezuelan actor na si Fernando Carillo nang tanungin ng TV at film writer na si G3 San Diego kung totoo ang balita-balitang niligawan siya nito noon. 

Sa online show ni G3, napag-usapan ang maraming bagay kabilang na ang naging makulay na karera nito sa broadcasting, ang pagiging ina niya sa mga anak na sina Pepe at Pilar, at ang pagiging mag-asawa nila ng dating Senador at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na si Mar Roxas. 


READ: ‘I still have four embryos’: Does Korina Sanchez plan on having more kids?

Napag-usapan din ang love life ni Korina kung saan agad naman niyang sinabi na wala pa siyang nagiging boyfriend na artista. 

Ngunit hindi naman naiwasang maitanong sa limampu’t-limang taong gulang na TV host ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanya: Naging sila nga ba ng sikat na aktor na si Fernando Carillo? 

Pag-amin niya: “Niligawan ako.”

Ngunit paglilinaw ni Korina, nag-date lamang sila. “We dated, pero walang nangyari doon. None,” saad ni Korina. 

Dagdag pa niya: “Natakot ako. We had a date. And at the end of that date, nagkakaripas ako ng takbo papasok ng kotse ko to leave. Na-tense ako eh.”

Hindi naman idinetalye pa ni Korina kung ano ang kwento sa likod ng kanyang naging pagtakas kay Fernando. 

Si Fernando Carillo ang gumanap na love team ng aktres na si Thalia sa seryeng Rosalinda na umere sa Pilipinas noong 2000. 

Nong mga panahong iyon unang nagtagpo ang mga landas nina Fernando at Korina. 

Taong 2012 naman nang muling mag-krus ang landas ng dalawa nang mag-guest si Fernando sa iba’t-ibang programa ng ABS-CBN sa naging pagbisita nito sa Pilipinas. 

Kuwento ni Korina: “He went back to the Philippines and he went to DZMM and said ‘Do you remember that night when you ran away from me? And now you’re married, so what now?’”

Hindi naman itinanggi ni Korina ang pagiging gwapo ni Fernando. 

“Fernando is a darling. But you have to be ready for him. He’s a very passionate guy. He’s ready for whoever is available. Super guwapo, super cute, super sweet.”

Sa naging panayam naman ni Fernando kay Boy Abunda noon sa Bandila, kinuwento ni Fernando ang tungkol sa naging pagbisita nito sa show ng batikang broadcast journalist na noon ay mahigit tatlong taon nang kasal kay Mar Roxas. 

“She told me, ‘Why have you been away for so long?’ I said, ‘I was allowing you to grow up and mature, but now you’re married, Korina!’”

Kuwento ni Fernando: “She asked me the same question. She told me ‘Why have you been away for so long?’ I said ‘I was allowing you to grow up and mature, but now you’re married, Korina!’”

Bagama’t hindi naging sila, masaya naman si Fernando para kay Korina. 

“Our timing is bad. But I’m very happy for her. She looks amazing,” ani Fernando.