• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga, ano ang mai-expect sa kanyang pagbabalik showbiz?

Diego Loyzaga, handa makipag kissing scene sa lalake sa isang BL series

Diego Loyzaga, ano ang mai-expect sa kanyang pagbabalik showbiz?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/14/2020 11:26 AM
Diego Loyzaga, handa makipag kissing scene sa lalake sa isang BL series
Photo Credit: @diegoloyzaga Instagram

Ayon kay Diego Loyzaga, maituturing niyang isang panibagong chapter sa buhay niya ang pagpirma ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) pagkatapos mag-expire ng kanyang contract sa Star Magic ng ABS-CBN.

Pero handa na ba ulit siya sa pag-aartista pagkatapos niyang mawala sa showbiz for almost three years?

“I feel like I have been ready for a while now kaso nga lang ang daming setbacks, ang daming nangyari sa mundo, and we were all still in this situation na hindi tayo puwedeng lumabas ng mga bahay natin.


“I’m more than ready. I’d love to lose a couple of pounds and get really, really fit again pero wala ring gym, so I’m making use of what we have here in the house. But every single part of me wants to go out and work again because I’m not getting any younger na rin. I’m really just excited to go back to work,” masayang pahayag ng aktor sa ginanap na virtual presscon ng Viva.

Ano ba ang dapat asahan ng audience ngayon kay Diego?

Lahad niya, “Well,definitely more  projects because this time around I really want to focus on the craft. I really want to focus on acting and I want to have a lot of movies under my belt. So, this time around marami silang mapapanood.”

Ready na rin si Diego to do mature or sexy roles.

“Oo naman. I won’t even call that as mature role kasi kung ano namang kailangan ng movie, kailangan ng script, ready naman po akong gawin,” rason ng aktor.

Handa na rin ba siya sa kissing scene sa kapwa lalaki na katulad sa mga napapanood ngayong mga BL series?

“Pinag-usapan namin ito ni mama (Teresa Lozyaga). Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko itong gawin,” natatawa niyang kuwento.

“Ako naman, meron talaga akong passion sa isang story or kuwento kapag na-hook ako do’n sa kuwento, eh. If I see it in the script na I know this is really a good story, maganda yung moral lesson. Yon naman ako, eh.

“I mean, it’s just another role, another character that I’m portraying . It doesn’t reflect naman kung ano yung hilig ko sa buhay. I’m just doing my job as an artist, to portray a role of somebody else.

“So, oo naman po, I am willing. Huwag lang siguro na ganun kabulgar agad-agad. Maybe we can work towards that, pero comfortable naman po ako,” paliwanag ng binata.

Handa rin ba siya saposibleng rivalry nila ng sexy hunk actor ng Viva na Marco Gumabao?

“Kaibigan ko yang si Marco, siyempre hindi ko siya magiging karibal,” paniniguro ni Diego.

Samantala, may naka-line-up ng project ang Viva para kay Diego at hawak na raw ng aktor ang script nito. Pero dahil nga pandemic, hindi pa raw napapag-usapan ang detalye ng naturang film project.