• Home
  • Fresh Scoops
  • Maging ang mga artista ay alam ang pagiging mabait ni Daniel Padilla.

Pagiging mabait ni Daniel Padilla, pinatotohanan ng iba’t-ibang artista

Maging ang mga artista ay alam ang pagiging mabait ni Daniel Padilla.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/13/2020 06:01 PM
Pagiging mabait ni Daniel Padilla, pinatotohanan ng iba’t-ibang artista

Nitong Miyerkoles, Agosto 12, kumalat sa social media ang mga litrato ni Daniel Padilla kung saan makikita ang kanyang ginawang pagtulong sa isang tricycle driver na nakabangga sa kanyang mimamanehong sasakyan.

‘Sobrang bait’: Daniel Padilla, tinulungan ang tricycle driver na nakabangga sa kanyang kotse

Marami ang sumaludo sa Kapamilya actor dahil imbes na magalit siya sa ginawang pagbangga sa kanyang mamahaling sasakyan na 1967 Ford Mustang ay nag-abot pa ito ng pera sa kanya ayon sa mga nakakita sa insidente.


Ngunit hindi lang mga netizens ang ang pumuri kay Daniel dahil maging ang ilan sa mga nakakakilala sa kanya sa mundo ng showbiz ay pinatotohanan ang kanyang pagiging mabuting tao.

Ilan na rito sina Kiray Celis at John Lapus na kaagad ibinahagi ang kanilang mga naging karanasan.

“Good job deej. Ganyan na yan kabait, Since day 1! Hindi nagbago. Isa sa mga kaibigan kong totoo,” ani Kiray.

 

 

Pagbabahagi naman ni John Lapus: “True. Ako nga pag nakakasalubong ko yan sya pa unang babati at lalapit sa akin.”

 

 

Pinasalamatan naman ni Angeline Quinto si Daniel dahil sa ginawa nitong aksyon. Saad ni Angge: “Thank you DeeJ. Mas mabuti na ung ganito. Kesa sa ibang taong NAMEMERA. Good Job DeeJ.”

 

 

Samantala, sinigurado naman ni Karla na walang nangyari sa kanyang anak na si Daniel.

Saad ni Karla: “Guys ok si DJ. Kaunting gasgas Lang sa sasakyan. At syempre everybody happy! No Problem! Tuloy ang buhay!”

 

 

Naganap ang nasabing aksidente sa Fairview, Quezon City.