• Home
  • Fresh Scoops
  • Tignan ang cute photo ni Jodi Sta. Maria noong siya'y magsisimula pa lang sa showbiz.

LOOK: Jodi Sta. Maria shares first pictorial photo shot 22 years ago

Tignan ang cute photo ni Jodi Sta. Maria noong siya'y magsisimula pa lang sa showbiz.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/13/2020 06:11 PM
LOOK: Jodi Sta. Maria shares first pictorial photo shot 22 years ago

Nagbalik-tanaw ang aktres na si Jodi Sta.Maria ngayong araw, Agosto 13, sa kanyang Instagram account. 

Sa kaniyang post, ibinahagi ni Jodi ang isa sa mga unang retrato niya noong siya ay magsisimula pa lamang sa mundo ng showbiz. 

“1998. Yung kalmang kalma ka kunwari sa picture pero hindi ka makapaniwala at halos mamatay ka na sa kilig nung pictorial dahil magiging artista ka na,” caption ni Jodi sa kanyang post.


 

 

Isa si Jodi sa mga miyembro ng Star Circle Batch 7 na inulunsad ng taong iyon ng talent management arm ng ABS-CBN, ang StarMagic. Ilan sa mga nakasabayan ni Jodi noon ay ang mga aktres na sina Desiree del Valle at Alessandra De Rossi. 

Naging matunog ang pangalan ni Jodi nang maging isa siya sa mga bida ng teen oriented drama na “Tabing Ilog”, at ang kanyang pinaka breakthrough role ay ang papel niya bilang Maya sa top-rating morning serye na "Be Careful With My Heart." 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello everyone from Mr and Mrs Lim ❤ Picture picture habang set up 😊

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria) on

 

Masasabi rin na isa ngayon si Jodi sa mga respetadong aktres dahil sa kaniyang galing sa pag-arte at pagiging isang huwarang ina sa kanyang anak na si Thirdy. 

 

 

Inaabangan na ngayon ang pagbabalik sa pag-arte ni Jodi sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Ang Iyo Ay Akin” kasama sina Iza Calzado at Diamond Star Maricel Soriano. Mapapanood na ito soon sa Kapamilya Online Live.