• Home
  • Fresh Scoops
  • Iniiwasan ni Diego Loyzaga i-message si Sofia Andres dahil ayaw niyang bigyan ito ng ibang kulay ng ibang tao.

Diego Loyzaga, masaya para sa dating ka-love team na si Sofia Andres

Iniiwasan ni Diego Loyzaga i-message si Sofia Andres dahil ayaw niyang bigyan ito ng ibang kulay ng ibang tao.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/13/2020 12:54 PM
Diego Loyzaga, masaya para sa dating ka-love team na si Sofia Andres
Photo Credit: @diegoloyzaga and @iamsofiaandres Instagram

Masaya ang aktor na si Diego Lozyaga para sa dating ka-love team at karelasyong si Sofia Andres na may sarili ng pamilya ngayon. Sofia is in a relationship with Daniel Miranda at meron na silang panganay na anak na ang pangalan ay Zoe.

“I’m happy… I’m really happy for Sofia,” kaswal na reaksyon ni Diego nang makausap namin sa virtual presscon para sa pagpirma niya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) nitong Miyerkules, August 13.

“I see in her posts that she is happy, and you know nakikita ko sa mga napo-post ng family ni Sofia or siya mismo na she’s happy. So, I couldn’t wish her anything  more in the world but that,” patuloy ni Diego.


Nakapag-usap na ba ulit sila ni Sofia?

Sagot ng binata, “No… no. I haven’t yet. Hindi pa kami nag-uusap. Pero sinabi ko sa sarili ko na when the day comes na I bump into her or I see her I think, definitely…”

“Pero for me to message her, ayoko lang kasi na baka a different message is received, from other people, from their part, so siyempre.

“Basta walang masamang tinapay for me, pero ayoko lang makabastos in anyway. But of course I really do wish her the best and I’m happy that she’s happy.”

Natawa naman si Diego nang tanungin namin kung meron bang bagong  nagpapasaya sa puso niya ngayon.

“Oo naman. Nanay ko. Masaya po kaming dalawa,” sabay tawa niya.

“You know, I think it’s an important thing in life to care about yourself first and to love yourself. You have to love yourself before loving someone else. I love myself na lang first.

“When entering a relationship or a romantic one most especially, you have to understand na may limitations, eh. And you also have to love yourself first because it’s hard to love somebody else kung magiging dependent ka do’n sa tao na yon pero hindi mo naman mahal ang sarili mo,” paliwang pa niya.

Ayon pa sa aktor, parang bagong kanta lang daw ni Billie Eilish titled “My Future” ang status ng buhay niya ngayon na “it’s better you love yourself before you go loving other people.”

When asked kung gusto pa ba niya ulit magkaroon ng love team sa Viva o solo flight na lang, aniya, puwede raw naman kahit ano.

“I’m okey with either – may love team o wala. Alam ko na rin naman kung paano tumakbo yung love team, so hindi na siya new. And I’d be happy kung ipa-partner ako with anyone.

“I’ll take it as a blessing kasi ano yon, eh, they are giving importance to you kapag nabibigyan ka non. Pero ganun din naman if I’m working for myself muna, yung walang kapartner, it’s the same,” pahayag ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.