• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi umano naging madali ang pinagdaanan noon nina Andrea Del Rosario at ng kanyang anak na si Bea.

Andrea Del Rosario, binalikan ang mga pinagdaanang pagsubok ng anak na may medical conditions

Hindi umano naging madali ang pinagdaanan noon nina Andrea Del Rosario at ng kanyang anak na si Bea.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/13/2020 08:57 AM
Andrea Del Rosario, binalikan ang mga pinagdaanang pagsubok ng anak na may medical conditions
Photo Credit: @andreadelrosariovm Instagram

Muling binalikan ng dating sexy star at aktres na si Andrea Del Rosario ang mga pinagdaanang pagsubok noong isinalang niya ang kanyang anak na si Bea sampung taon na ang nakalilipas.

 

 

Sa panayam ni Andrea sa online show ng host-dancer na si Regine Tolentino, ikinuwento ni Andrea na, “She was born with a condition kung saan basically buhol-buhol ang bituka niya.”

Hindi umano naging madali ang sitwasyon ni Andrea lalo pa’t ilang buwan silang pabalik-balik sa ospital noong nandoon sila sa Amerika upang ipagamot ang kanyang anak.

“Habang ginagawa nila ‘yun — habang ni-rerehabilitate ‘yung gut niya, she had to be connected to this machine called Total Parental Nutrition (TPN). So nakukuha niya ‘yung nutrisyon niya sa isang port. Sa chest and her gut. It’s a feeding pump in her gut,” ani Andrea. 

Dagdag ni Andrea: “So basically I had two machines. So when she was a baby I had a backpack and I would do my laundry with both machines on my shoulders.” 

 

 

Marami rin umano silang pinagdaanan pagkatapos na operahan ang kanyang anak lalo pa nang umuwi na sila ng Pilipinas. 

“She also had seizures. So I thought tapos na but when we got back here in the Philippines, meron pala siyang tinatawag na febrile convulsion. Parang each time meron siyang fever, meron siyang convulsions. ‘Yun ang drama na I had to go through.”

Sa kabila ng lahat, lubos pa rin ang kagalakan na nararamdaman ni Andrea sapagkat lumaking malusog ang kanyang anak.

“I guess because ‘yung condition niya when she was born, ‘yung resistensya niya was not as good as other kids. Siguro ‘yung mga first few years namin ang daming drama. Ito na naman? But you know, we’re good. She’s eating healthy,” aniya.

 

 

Ikinuwento naman ni Andrea kung paano niya nalagpasan ang mga pagsubok na pinagdaanan niya noon at sinabing palagi niyang binibilang mga biyayang natatanggap niya. 

“It was a struggle but kapag nakakarinig ka rin ng mga ibang stories ng parents may mga pinagdaanan din and were not as fortunate as us … Talagang I really count our blessing because kahit na mahirap siya back then, tingnan mo naman parang ‘di ko na maaalala ang mga ‘yun,” ani Andrea.

 

 

Samantala, masaya naman si Andrea ngayon na mas nakakasama na niya ang kanyang anak lalo pa’t tapos na ang kanyang termino bilang Vice Mayor ng Calatagan, Batangas kung saan nanilbihan siya ng tatlong taon. 

“Now I have all this time to bond with Bea. Ang dami naming nagagawa nakakatuwa,” ani Andrea. 

Pagpapatuloy niya: “I lost a lot of milestones in Bea’s life when I was doing that. And this is also a choice to somehow focus on her now. And to be able to see her grow up and build a lot of memories with her. I’m really happy.”