• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din nina Pastillas Girl at Flow G kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

‘Pastillas Girl’ at Flow G, ipinaliwanag kung bakit piniling itago muna ang relasyon noon

Ibinahagi din nina Pastillas Girl at Flow G kung paano nagsimula ang kanilang relasyon.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/12/2020 04:59 PM
‘Pastillas Girl’ at Flow G, ipinaliwanag kung bakit piniling itago muna ang relasyon noon
Photo Credit: @angelicajaneyap Instagram

Sa unang pagkakataon ay ibinahagi nina Angelica Jane “Pastillas Girl” Yap at ni Archie “Flow G” Dela Cruz ang tungkol sa kanilang relasyon kabilang na kung paano sila nagkakilala at ang dahilan kung bakit pinili nilang itago sa publiko ang tungkol sa kanilang dalawa. 

WATCH: ‘Pastillas Girl’ Angelica Yap gives tour of new house with rapper Flow G

Pagbabahagi ni Angelica, nagkakilala sila ni Flow G sa isang shoot para sa music video ng Ex Battalion kung saan kabilang si Flow G. 


“Nagkakilala talaga kami sa isang music video shoot. Sa ‘Follow My Lead.’ Tapos ako ako nga ‘yung tumatakbo-takbong naka-two-piece. Sakto kasi ‘yung scene na ‘yun doon din sa beach, ‘di ba? Parang pagkatapos ng scene niya, kami na. Ayun target locked ako ni Lodi,” kwento ni Angelica.

Ani Flow G, sinikap niyang balikan si Angelica na pag-amin niya ay nagustuhan niya dahil sa pangangatawan nito. 

“Tara, balik tayo du’n kasi mag-shushoot na ‘yung mga naka-two-piece. ‘Di ko pa nga alam na ikaw si Pastillas Girl eh. Tapos sabi ko Yurs, ampayat-payat tapos anlaki ng bumbilya,” aniya.

WATCH: ‘Pastillas Girl’ Angelica Yap unveils ’secret room’ inside home with rapper Flow G

Pero ayon kay Angelica, hindi niya lubos akalain na magiging sila lalo pa’t hindi naging maganda ang simula nilang dalawa ni Flow G. 

“Nagsimula talaga tayo sa bad start. Thinking about it now, before talaga mag-iisip mo talaga na walang kapag-a-pag-asang magiging girlfriend mo ako kasi nga ang pangit ng start natin,” ani Angelica. 

Wala din daw naganap na ligawan sa kanilang dalawa at tanging patutsadahan lang umano nila ang nagsilbing dahilan kung bakit nagkapahulugan ang loob nila sa isa’t-isa. 

“Wala. Mga patutsada lang. ‘Yun talaga ang pinaka nagiging bonding moment natin kasi tayong dalawa lang talaga,” ani Angelica. 

Dagdag pa niya: “Parang for the longest time na nagpapakiramdaman tayo, paano naging tayo? Alam ko sa text ‘yun. Sinabi mo ‘pwede na ba kitang maging girlfriend o [liligawan pa ba kita]?”

“Tapos ganito, alanganin. Kasi ang February hanggang 28 lang,” kwento ni Flow G. Dagdag naman ni Angelica: “Tapos naging tayo madaling araw ng 29.

Sa nasabing vlog ay ibanahagi din ng dalawa kung bakit pinili nila na pansamantalang itago sa publiko ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. 

“Alam niyo. Naniniwala kasi kaming kapag konti ang nakakaalam, konti rin ‘yung nakikialam. Eh nu’ng time na ‘yung parang ang dami ding mga judgment. For the vlog lang ‘yan. Mga ganyan,” ani Angelica. 

“At isa pa, paano nating sasabihin na tayo na. Sasabihan tayo ng mga tao niyan na ‘Sino ang may pake? Eh di kayo na. Eh di parang ang panget pa sabihin na sikat pa ba kayo? Bat may pa-official official pa na kayo na. Artista kayo? Kaya parang ayaw namin ng ganun,” paliwanag ni Flow G. 

Bagama’t alam nilang nakakatunog na ang kanilang mga fans na may namamagitan sa kanila lalo pa’t naglabas sila ng 24-hour Jowa Challenge.  

“Feeling naman namin nararamdaman niyo na nu’ng mga time na ‘yun. Pero ayaw din namin na manggaling sa mga bibig pa namin. Kayo rin naman mismo mapapansin niyo na ganu’n na ‘yung setup. Hanggang sa siguro nagulat na lang kayo na bigla na lang kami nagkaroon ng bahay,” ani Flow G. 

Pagbabahagi ni Pastillas ng kanyang mga naging realisasyon: “Tama na. Kung lagi rin naman tayong matatakot sa opinyon ng ibang tao, eh di parang di na rin tayo nagiging masaya.” 

Panoorin ang bidyu sa baba: 

Kilala bilang #TeamEbs, mas nakilala pa ang dalawa bilang #TeamEbs. Si Angelica Jane Yap naman ay sumikat bilang Pastillas Girl taong 2015.