Hindi napigilang maglabas ng kanyang hinanakit tungkol sa mga anomaliya na kinakaharap ng PhilHealth ang radio host at DJ na si Czarina Balba o mas kilala bilang DJ Chacha.
Ayon kay DJ Chacha, hindi niya maiwasang manlumo sa isyu ng Philippine Health Insurance Corporation.
“Kakapanlumo yung issue ng PhilHealth. Mukhang walang hihimas ng rehas. Hay. Lord, nakikita mo naman lahat. Ikaw na ang bahala sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan,” ani DJ Chacha.
Kakapanlumo yung issue ng Philhealth. Mukhang walang hihimas ng rehas. Hay. Lord, nakikita mo naman lahat. Ikaw na bahala sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Isa pa sa mga kinaiinis ni DJ Chacha ang hindi umano makatarungang paghuli sa mga simpleng mamamayan kumpara sa mga taong nasa posisyon.
“‘Yung nagtanggal lang ng face mask para uminom ng tubig, may fine agad. Pero itong mga magnanakaw ng perang pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, may pag asa bang managot? HAY,” saad DJ Chacha.
Yung nagtanggal lang ng face mask para uminom ng tubig may fine agad pero itong mga magnanakaw ng perang pinaghirapan ng ordinaryong manggagawa, may pag asa bang managot? HAY.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Bagama’t kita ang kanyang pagkabagot, naniniwala si DJ Chacha na darating ang panahon na mapaparusahan sila.
Celebrities express fury, disappointment over alleged PhilHealth Php 15 billion corruption
“Kapit, hindi natutulog ang Diyos. Siya ang bahala sa mga kawatan na ito. Hindi man kayo maparusahan dito sa mundo, pagdating ng panahon haharap kayo kay Lord. Siya ang bahalang magbigay ng karampatang parusa sa mga kasalanan ninyo,” sabi niya.
Kapit, hindi natutulog ang Diyos. Siya ang bahala sa mga kawatan na ito. Hindi man kayo maparusahan dito sa mundo, pagdating ng panahon haharap kayo kay Lord. Siya ang bahalang magbigay ng karampatang parusa sa mga kasalanan ninyo.
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Patuloy niya: “Mantakin mong nakawan ang mga naghihingalo at may sakit. Nasaan ang kunsensya?”
Mantakin mong nakawan ang mga naghihingalo at may sakit. Nasaan ang kunsensya?
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Sagot naman ni Nikki Valdez sa kanya: “Marsss, dinaig ng Philhealth ang mga ex jowa sa ghosting!”
Marsss, dinaig ng Philhealth ang mga ex jowa sa ghosting!!! 👻
— NVG (@nikkivaldez_) August 12, 2020
Good morning! 😘 https://t.co/RVBKfas420
Hinamon din ni DJ Chacha na bumitaw si PhilHealth CEO Ricardo Morales sa pwesto niya at sinabing: “MAGRESIGN KA NA SIR. PLEASE LANG. KONTING KAHIHIYAN.”
MAGRESIGN KA NA SIR. PLEASE LANG. KONTING KAHIHIYAN. https://t.co/GY76Bg1JX4
— DJ Chacha (@_djchacha) August 12, 2020
Isa si DJ Chacha sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya dulot ng tigil-broadcast ng ABS-CBN.