• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Korina Sanchez na may naka-imbak pa siyang apat na embryos.

‘I still have four embryos’: Does Korina Sanchez plan on having more kids?

Ibinahagi ni Korina Sanchez na may naka-imbak pa siyang apat na embryos.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/12/2020 08:52 AM
‘I still have four embryos’: Does Korina Sanchez plan on having more kids?
Photo Credit: @korina Instagram

Sa panayam sa tagapanulat sa telebisyon at pelikula na si G3 San Diego ay ibinahagi ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez na mayroon pa siyang naka-imbak na apat na embryos. Ang tanong: may plano ba nga bang magkaroon ng mga supling si Korina? 

 

Hindi maikakaila ang pagkakaroon ni Korina ng makulay na karera sa industriya ng brodkasting. Ngunit nitong mga nakaraang taon ay pinagtuunan ng Rated K host ang kanyang pagiging ina sa dalawang supling nila ni dating Senador at Department of Local and Interior Government (DILG) Secretary na si Mar Roxas. 

Ayon kay Korina, bata pa lang siya ay nahilig na siya sa mga bata lalo pa’t may mga kapatid siyang mas nakababata sa kanya.

LOOK: Korina Sanchez introduces her brothers

“She’s the one who’s most like to have children. Because I love kids. I love children. Bata pa lang ako parang nandoon na ako sa nursery ng Makati Medical Center tumitingin ng mga baby. So mahilig talaga ko sa bata. So I said wala pa akong boyfriend, wala pa akong asawa, magfi-freeze ako ng embryo ko,” ani Korina. 

Ipinaliwanag naman ni Korina kung bakit embryos na at hindi egg cells ang naka-imbak sa kanya ngayon. 

“Because the technology now — I don’t know why nature is like that — but eggs do not survive freezing eggs. Embryo meron na akong eggs, meron nang sperm,” pagbabahagi ni Korina.

Kuwento pa ni Korina, nakikipag-date pa lang siya noon ay tinatanong na niya ang kanyang mga nakaka-date kung willing ang mga ito na mag-donate ng sperm sa kanya sakaling mag-desisyon siya na magkaroon ng anak.

LOOK: Twins Pepe and Pilar, pose for Christmas theme

“So I learned that early so when I started dating, I just told whoever I was dating at that time ‘Are you willing to be the donor of my sperm? Eh willing na willing naman. Eh nagkataon. So I still have four embryos,” saad ni Korina.

 

 

Nang tanungin ito kung plano pa niya magkaroon ng karagdagang mga supling, sinabi ni Korina na hindi niya pa alam sa ngayon. 

“I don’t know. Hello no, lola na ako. Grabe ka. Pepe and Pilar are already a handful. So I don’t know if I want more but I have four more embryos,” ani Korina. 

Ang mga cute na anak nina Mar at Korina na sina Pepe at Pilar ay isinilang ng mag-asawa sa pamamagitan ng in virto fertilization (IVF) kung saan kumuha sila ng surrogate mother mula sa Pittsburgh, Pennsylvania. 

Pebrero ng taong 2019 nang sinalubong ng mag-asawa ang kanilang dalawang anak.