• Home
  • Fresh Scoops
  • Parehong nagsimula bilang Regal babies sina Snooky Serna at Gabby Concepcion.

Snooky Serna, nagpa-abot ng pakikiramay kay Gabby Concepcion sa pagpanaw ng ina nito

Parehong nagsimula bilang Regal babies sina Snooky Serna at Gabby Concepcion.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/11/2020 02:49 PM
Snooky Serna, nagpa-abot ng pakikiramay kay Gabby Concepcion sa pagpanaw ng ina nito
Photo Credit: @snookyserna4466 and @itskcconcepcion Instagram

Malalim ang pinagsamahan nina Snooky Serna at Gabby Concepcion na nagsimula bilang Regal Babies sa bakuran ng Regal Films ni Mother Lily Monteverde.

Taong 1981 nang i-launch ng Regal Films ang tambalan nina Gabby at Snooky sa pelikulang Summer Love ni Direk Elwood Perez. Sa naturang pelikula rin ipinakilala ang tambalan nina Maricel Soriano at William Martinez.

Marami pang pelikulang ginawa sina Snooky at Gabby. Nagkasama sila sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, Yesterday Today and Tomorrow, Kahit Isumpa Mo Ako, Hello Young Lovers, The Graduates, at Bukas Sisikat Din Ang Araw na naging dahilan para mapalapit nang husto si Snooky sa ina ng dating ka-love team.


Sa pagpanaw ng ina ni Gabby na si Lourdes Concepcion ay kaagad na nagpahatid ng pakikiramay si Snooky sa aktor.

Post nito sa kanyang Facebook account, “Words cannot express, the grief I feel... I THANK GOD for having had the privilege to have known my Tita Baby.

“How loving and protective and doting a mother Tita Baby was to her children. Tita Baby, you are now in your true home in Heaven.”

May mensahe din ang aktres para sa dating kapareha.

“@concepciongabby stay strong! As I know you are. Continue to be the Man that you have become, kind hearted, and down to earth.

“You truly are your mother's son.

“My Sincerest  Condolences to you and to the whole family my friend. GOD BLESS YOU. Love you Gab,” lahad pa ni Snooky.