• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami ang gumaya sa video ni Frankie Pangilinan na ngayon ay isa nang TikTok trend.

Paglalabas ng saloobin ni Frankie Pangilinan sa isang fastfood chain pinag-usapan sa social media

Marami ang gumaya sa video ni Frankie Pangilinan na ngayon ay isa nang TikTok trend.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/11/2020 02:14 PM
Paglalabas ng saloobin ni Frankie Pangilinan sa isang fastfood chain pinag-usapan sa social media

Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang i-post ni Sharon Cuneta sa social media ang isang video kung saan makikitang naglalabas ng saloobin tungkol sa fastfood chain na McDonald’s ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nag-viral ito kamakailan at ngayo’y isa nang ganap na TikTok trend.

READ: Frankie Pangilinan claims ‘FB boomers’ out to oust dad Kiko as charter panel chair


Sa nasabing video na kinuhanan pagdating ni Frankie mula sa US noong Disyembre, makikitang nagrereklamo ang anak ng Megastar tungkol sa hindi pagkakaroon ng Chicken McDo sa nasabing bansa.

Matatandaang umuwi si Frankie noong Pasko upang makapiling ang kanyang mga magulang matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Estados Unidos kung saan siya nag-aaral. 

“They don’t make Chicken McDo there. It’s such a disrespectful thing,” panimulang kuwento ni Frankie sa kanyang ina na minsa’y naging endorser ng McDonald’s. Dagdag pa niya: “I would understand if you don’t make it with rice but to not make the chicken at all?”

Nang tanungin siya muli tungkol dito, sagot ni Frankie: “They don’t make chicken at all! That’s your best dish! They have the most basic McDonald’s ever.”

 

 

Nitong Hulyo lang ay pinost muli ni Frankie ang parehas na video at sinabing: “Ok but the way that I speak more words in this video than I have for the entirety of self-isolation.”

Patuloy naman na pinag-uusapang ng netizens sa social media ang nasabing video na ngayon ay ginawa nang TikTok trend ng ilang Twitter users gaya nina @japethreside at @rainmatienzo. 

 

 

 

 

Hindi na bago para kay Frankie ang pag-usapan sa social media lalo na nitong mga nakaraang buwan kung saan nagsilbi siyang boses ng maraming kabataan laban sa administrasyong Duterte.

READ ALSO: Frankie Pangilinan asks: ‘How does Duque sleep at night?’

Si Frankie ang panganay na anak nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at ng aktres na si Sharon Cuneta.