• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Jericho Rosales na nababasa niya ang mga mensahe ng kaniyang mga fans.

Jericho Rosales, ramdam ang pagkalungkot ng mga fans sa pagtigil sa broadcast ng ABS-CBN

Ikinuwento ni Jericho Rosales na nababasa niya ang mga mensahe ng kaniyang mga fans.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

08/11/2020 11:07 AM
Jericho Rosales, ramdam ang pagkalungkot ng mga fans sa pagtigil sa broadcast ng ABS-CBN
Photo Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Naging productive ang aktor na si Jericho Rosales ngayong lockdown dahil maliban sa paglikom ng pera upang makatulong sa mga nawalan ng trabaho sa media ay nakabuo din siya ng online show na ipinalabasa tuwing Sabado. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay ramdam umano ni Echo ang pagkalungkot ng marami sa kanyang mga fans sa paghinto ng broadcast ng Kapamilya network. 

READ: Following the denial of ABS-CBN’s new franchise, Jericho Rosales writes emotional message: ‘Bukas muling titingala’

Sa Star Magic Special na Love From Home Lockdown Portraits kasama ang Metro.Style ay ibinahagi ni Jericho ang ilan sa mga bagay na pinagkaabalahan niya ngayong lockdown. 


Ayon kay Echo, nagyo-yoga siya tuwing umaga sa ilalim ng puno sa kanilang bahay na siya mismo ang nagtanim. 

“We’re there every morning. The sun is really, really nice in the morning. Ako mahilig talaga sa outdoors. I love to surf, I love to ride. Just basically like nature lover talaga,” kuwento ni Echo. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hello from a happy place 😛 📷 By a naturally happy guy @mikkieduardo . Salamat kap

A post shared by @MrManileno (@jerichorosalesofficial) on

 

Ikinuwento rin ni Echo kung paano nabuo ang online show niya na Gabi Na Naman na aniya’y naging tulay upang mas marami pa siyang matulungan. 

“Itong lockdown which is the ECQ, I decided to get busy by helping kasi basically the inital episode of Gabi Na Naman was to promote Kuya J’s delivery service because everyone needed food — needed means to get sustenance. Everyone was on fire when it comes to helping other people — inspiring, encouraging people during that lockdown,” ani Echo. 

 

 

Pagpapatuloy ni Echo: “I decided to get busy with creating a show. So we did Gabi Na Naman. And every Saturday was the most exciting, super high energy highlight of the week. And Mondays, Tuesdays, Wednesdays we were preparing, we were having so many creative meetings.”

READ: ‘Ang hirap maging creative’: Jericho Rosales, humarap sa pagsubok nitong panahon ng quarantine

Ikinuwento rin ni Echo ang tungkol sa programa ng kaniyang malapit na kaibigan na si Drew Arellano kung saan marami silang natulungang charity. 

“Your first reaction when being in a position to help is to help. My friends and I were doing that. Like Drew Arellano started a show called Drew’s Closet. And ‘yung catch nu’n was to help people basically share whatever income we get from selling stuff. We will donate the money sa kung sino mang artist at kung ano mang pinili niyang charity. Parang ganu’n. 

Nakalikom naman si Echo ng mahigit apat na milyon para sa kanyang chosen charity na naglalayong tulungan ang mga nawalan ng trabaho sa media. 

“So obviously I wanted to support Lockdown Cinema Club dahil this is the industry that’s close to my heart. I’m in this industry. And alam ko na maraming walang trabaho sa industriya natin ngayon. Sa media and sa filmmaking and TV,” saad ni Echo.

Samantala, ibinahagi naman ni Echo kung kahalagahan ang paggawa nila ng e-catalogue para sa Star Magic kung saan tampok ang ilang malalaking artista ng Kapamilya artists lalo pa ngayong nagsara ang network. 

“I think it just goes beyond a magazine that we can flip through or an e-catalogue where you can just swipe through. It’s more on the association people get when they see faces of the Kapamilyas na paborito nilang pinapanood,” sabi ni Echo. 

READ: ‘I collected plastic trash’: Jericho Rosales recalls early struggles, shares how he reached his dreams

Ngunit ayon kay Echo, ramdam niya ang pagkalungkot ng kanyang mga fans sa social media dahil sa tigil broadcast ng ABS-CBN. 

“Like if you go through the comments on my Instagram and with the recent closure of ABS-CBN makikita mo du’n na we’ll miss you. I’ll miss your shows. I miss your project, when I’m gonna see you again,” sabi ni Echo. 

READ: Star Magic artists share their experience doing their Love From Home lockdown portraits

Pagpapatuloy pa niya: “And when they see that their favorite Kapamilyas or their favorite Kapamilya artists are able to do something like that — to provide not just some sort of entertainment but inspiration — for me, it’s more than a memorabilia. It’s a connection that you build. And it’s an ongoing thing — something that should never stop.” 

Matatandang tuluyan nang binasura ng Kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa noong Hulyo 10.