• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang Adober Studios sa mga naging casualties ng pagsasara ng ABS-CBN.

YouTuber na si Christi Fider, mag-rerelease ng una niyang single para sa Star Music

Isa ang Adober Studios sa mga naging casualties ng pagsasara ng ABS-CBN.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/11/2020 01:10 PM
YouTuber na si Christi Fider, mag-rerelease ng una niyang single para sa Star Music

Isa ang Adober Studios sa mga naging casualties ng pagsasara ng ABS-CBN, ang nangunguna at pinakamalaking TV network sa Pilipinas.

Adober Studios, na dating kilala bilang Chicken Pork Adobo, is a YouTube multi-channel network owned and operated by ABS-CBN Corporation. It is the country's first and only YouTube-certified multi-channel network.

Isa ang Youtuber na si Christi Fider sa naapektuhan ng pagsasara ng Adober Studios. Binalikan ng dalaga kung paano siya naging Adobers.


“Paano ba ako napunta sa Adobers? Funny story. I had a vlog last 2017 with Enrique Gil. Then a friend asked me if I'm a CPA (akala ko accountant, Chicken Pork Adobo pala). So I researched about it and nag-sign up ako sa website.

“One day, they emailed me and I got in. I was so happy kasi a lot of opportunities opened for me since then. I had my first acting experience with Bakit Ka Single? Naging part ako ng prod team as a stylist and HMUA.

“I had an acting workshop with Ogie Diaz (twice) and Star Magic, but most importantly nagkaroon ako ng second family. I met my friends through Adober Studios, friends that I truly trust,” pagre-recall ni Christi na isa ring singer at aktres.

Pinasalamatan din ng dalaga ang kompanya na nagbigay ng magagandang oportunidad sa kanya.

“Thank you so much Adobers for all the opportunities na naibigay ninyo sa akin. Thank you for the trust na naibigay niyo sa akin (yes pumasok ako ng Adobers less than 500 subscribers palang ako). Thank you for investing in me.

“I know hindi pa dito natatapos lahat. I believe na meron better plan para sa atin lahat. For now isang mahigpit na yakap para sa inyong lahat, para ating lahat. Mahal ko kayong lahat. Maraming salamat,” lahad pa niya.

Sa pagsasara ng Adober Studios ay susubukan ni Christi na pasukin naman ang mundo ng musika.

After Adober, Christi is keeping herself busy preparing for her launching. She is not keen on signing up with any multi-channel network for her YouTube channel as of the moment.

Ang single niyang “Teka Teka Teka” na ginawa at prinodyus ng award-winning songwriter na si Joven Tan para sa Star Music ay malapit na ring i-launch. Kung hindi magkakaroon ng aberya ay magiging available na sa lahat ng digital platforms ang “Teka, Teka, Teka” on August  28 or September 4, 2020.

May music video na rin ang kanta ni Christi na binigyan ng dance interpretation ng ilang Kapamilya stars at kumakalat na ito ngayon sa social media.